
Sa episode ng It's Showtime ngayong Sabado, December 20, nagdala ng good vibes at cuteness overload ang co-star ni Vice Ganda sa 'Call Me Mother' na si Lucas Andalio. Ang nabanggit na movie ay isa sa mga entry sa Metro Manila Film Festiva ngayong taon.
Bibida rin sa Jun Robles Lana film na ito sina Nadine Lustre, Mika Salamanca, Shuvee Etrata, Klarisse de Guzman, Brent Manalo, Esnyr, at marami pang iba.
Ayon sa Unkabogable Star, si Lucas na pamangkin ng aktres na si Loisa Andalio raw ang 'pinakamagaling' sa kanilang lahat sa movie. Ani ng award-winning host-comedian, “Siya talaga ang bida sa buong pelikula, ang cute, cute. Ang galing, galing niya dun.”
Samantala, may memorable scene daw si Lucas nang gawin niya ang Call Me Mother.
Kuwento niya sa Madlang Pipol, “Yung ano po 'yung nasa Disneyland po tayo ng sinakay po natin si Dinky po.”
Sinegundahan naman ni Vice ang ibinahagi ni Lucas tungkol sa shooting nila sa Disneyland Hong Kong. Aniya, “Ang cute, cute nung eksena namin sa Disneyland, na-meet po talaga namin 'yung FAB 5, 'tapos dun kami mismo nag-shooting sa Disneyland Hong Kong.
“Kami po 'yung kauna-unahang Asian movie na pinayagan mag-shoot sa loob ng Disneyland. At saka, third in the whole world.”
RELATED CONTENT: MMFF 2025 entries and their MTRCB ratings