GMA Logo Vice Ganda
Source: It’s Showtime
What's on TV

Vice Ganda, binigyang diin ang importansya ng pagtutok sa mental health ng mga Pinoy

By Aedrianne Acar
Published October 11, 2025 2:27 PM PHT
Updated October 11, 2025 2:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump says he thinks China can open its markets to US goods
Student harassed on the road by rider in Bacolod City
FPJ Sa G! Flicks: 'Asedillo' | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda


Unkabogable Star Vice Ganda, ipinaliwanag ang role ng mga Psychologist sa pagtugon sa mental health problems.

Inspiring ang mga contestant na sumabak sa "Laro Laro Pick" ng It's Showtime ngayong Sabado, October 11, dahil mga working student ang mga naglaro na may chance makapag-uwi ng limpak-limpak na papremyo.

Isa sa mga nakapanayam ni Meme Vice Ganda si Phery, 21, isang 4th year Psychology Student sa STI Lipa. Nakakabilib si Phery na isang service crew sa isang fast-food chain.

Ikinuwento rin Phery sa It's Showtime hosts kung bakit naisipan niyang kunin ang kursong Psychology.

Aniya, “Gusto ko po talaga maging lawyer po talaga, so, puwede po 'yung BA Psych. Then gusto ko rin po maging flight attendant and then course naman daw po kapag mag-flight attendant ka. So, hindi ko na po tinake 'yung Tourism po.

“Nag-Psychology na lang po ako para in case po may iba pa pong opportunity para sa akin.”

Pero payo naman ng Unkabogable Star, “Maganda rin kung ididiretso mo yung pagiging Psychologist mo. Di ba kasi kailangan natin ng mas maraming Psychologist 'di ba.”

Dito, binigyang diin ng award-winning host kung bakit malaki ang papel ng mga Psychologists sa kinakaharap na mental health problems ng maraming Pilipino.

“Sa bansa na lang natin hindi na tayo lalabas, lahat ng Pilipino ay may mental health. Pero, iilan lang ang professional na maaaring tumulong sa atin sa mga pangangailangan natin sa ating mental health, iilan lang 'di ba. Ang daming surgeons, ang daming iba't ibang uri ng doktor. Pero ang mga psychologist at psychiatrist sa Pilipinas, kokonti lang.

“Kaya nung pandemic 'di ba mangaragngarag 'yung mga psychologist at psychiatrist sa dami ng nangangailangan ng tulong, hindi lahat napagbigyan.”

Source: It's Showtime

RELATED CONTENT: CELEBS WHO OPENED UP ABOUT THEIR MENTAL HEALTH STRUGGLES