
Isang heartwarming moment ang nasaksihan sa episode ng It's Showtime kamakailan.
Sa “Mini Miss U” segment ng programa, binigyan ng yakap ng TV host-comedian na si Vice Ganda ang mga “Batang Cute-po” na sina Imogen Cantong, Lucas Landicho, Argus Aspiras, Princess Kathryn “Kulot” Caponpon, at Jaze Capili.
“Sama-sama na tayo dali, bago ko kayo ma-miss,” ani Vice.
Matapos ito, nag-group hug sina Vice, ang mga "Batang Cute-po" kasama sina Anne Curtis at “Mini Miss U” contestant na si Alaine Zamaira ng Antipolo City.
Pagkatapos ng group hug, kinanta nina Vice at ng mga bata ang awiting “Sana” nang malakas.
“Maingay ba kami?” tanong ng komedyante kay Anne.
Sagot ng actress-host, “Oo.”
“Ganun ka kapag kumakanta,” biro ni Vice. Kitang-kita na natawa na si Anne sa biro ng kanyang co-host. “Hoy!” sabi ni Anne sabay tawa.
Patuloy ni Vice, “Ganun ang nararamdaman namin. 'Yung sa 'yo nga solo, e, kami grupo.”
Dagdag pa niya, “Ngayon alam mo na kung ano nararamdaman namin kapag kumakanta ka nang solo ha.”
Sa huling bahagi ng semifinals ng segment, inanunsyo na si Rain ng Laguna ay pasok sa grand finals ng “Mini Miss U.”
Related content: 'It's Showtime' at GTV, pumirma na ng kasunduan
Panoorin ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.