
Ilang mga celebrity at mga pageant heavy-hitters ang nanood at nakisaya sa isang maliit na gay beauty pageant na inabot ng ilang oras para koronahan ang mga winners nito.
Ilan sa mga nanood sa Miss Gay Quiapo pageant, na kilala rin bilang Queen of Quiapo Universe pageant, ay ang mga queer celebrities tulad nila Vice Ganda at Drag Race Philippines Season 3 winner Maxie Andreison at mga beauty queens tulad nila like current reigning Miss Grand International Emma Tiglao at current reigning Miss Earth Philippines Joy Barcoma.
Sa isang Facebook post na merong higit sa 10,000 reactions at na i-share na higit sa 100 na beses, tinanong ng current reigning Miss Earth Philippines Joy Barcoma kung maaari bang sumali sa Miss Gay quiapo ang isang “babaeng bakla”.
Nag-share din ng isang Facebook post si Joy kung saan pinapakita ang runway walk ng Drag Race Philippines Season 3 contestant at Miss Gay Quiapo competitor na si Angel Galang, kasama ang caption na “Sorry kagigising ko lang. Ito na ba po ba si CJ “queen of pasarela” Opiaza?”
Nag-iwan din ang current reigning Miss Grand International Emma Tiglao ng comment sa post na nagtatanong kung bakit wala sa pageant si Joy. Ang shoe designer na si Jojo Bragais ay nag-iwan din ng comment. Parehong nanood ng pageant sina Emma at Jojo.
RELATED CONTENT: Miss Grand International Emma Tiglao charms the crowd at homecoming
parade and press conference
Naroon din sa pageant ang It's Showtime host na si Vice Ganda, ayon sa Facebook group na Pageant Aficionado. Ang post tungkol sa attendance ni Vice sa pageant ay merong higit sa 4,000 reactions at na i-share na higit sa 100 times.
Naroon rin ang Drag Race Philippines Season 3 winner Maxie Andreison para suportahan ang kapatid na si Angel Galang.
Ang mga nanalo sa pageant ay sina ML Tucay bilang Queen of Quiapo Universe, Yoniel Acebuche bilang Queen of Quiapo World, Summer Rejane bilang Queen of Quiapo International, Mikay Bautista bilang Queen of Quiapo Earth, at Angel Galang bilang Queen of Quiapo Tourism.
RELATED CONTENT: This is how Pinoy drag queens look out of drag