GMA Logo Vice Ganda
PHOTO COURTESY: It’s Showtime
What's on TV

Vice Ganda gives heartfelt message for 'Showtime Online U' hosts

By Dianne Mariano
Published August 20, 2024 2:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

More airport passengers recorded during holidays in 2025 vs. 2024 – MIAA
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda


Puno ng pasasalamat ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa hosts at staff ng online show na 'Showtime Online U.'

Ipinagdiwang ng Showtime Online U ang kanilang 8th anniversary nitong Lunes, August 19, sa It's Showtime.

Sa episode ng noontime variety show kahapon, lubos ang pasasalamat ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa hosts at staff ng naturang online show dahil sa pagpapalago at pagpapanatili ng kanilang audience sa digital space.

“Hinabol ko talaga itong opening kasi gusto kong magpasalamat sa inyo. Ang laking bagay 'yung ginagawa n'yo sa amin. To keep the audience online, hindi umalis kapag commercial break, malaking bagay kasi hindi na lang naman tayo umeere ngayon sa mga telebisyon. Malaking bagay ang digital, malaking bagay 'yung nanonood sa atin sa online, at kayo ang nagki-keep no'n,” ayon pa kay Vice.

“You keep them entertained, you keep them glued, kaya maraming-maraming salamat. Ako once in a while, kapag nakakausap ko sila, nagpapasalamat ako kasi tinutulungan n'yo ang programang 'to na mabuhay, humaba ang buhay. Sa maraming pagkakataon ng paghihingalo, nandiyan kayo.”

Nagpasalamat din ang seasoned comedian sa dating Showtime Online U host na si Ana Ramsey dahil sa husay nito bilang host at pagiging bahagi ng nasabing online show.

“Kay Ana Ramsey, maraming salamat. You've been so good. Ang galling-galing mo kaya magpakagaling ka diyan at papalakpakan ka namin. We are rooting for you, Ana Ramsey, at sa inyong lahat, congratulations and happy anniversary,” patuloy niya.

Ang hosts ng Showtime Online U ay binubuo nina Wize Estabillo, AC Soriano, Nicki Morena, Lorraine Galvez, JM Dela Cerna, Sheena Belarmino, Marielle Montellano, Anthony Castillo, Anne Tenorio, Eris Aragoza, Jannah Alanise, at Mackie Empuerto.

Samantala, inanunsyo na rin kahapon ang teams na maglalaban para sa nalalapit na “Magpasikat 2024.”

Patuloy na subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.