GMA Logo Vice Ganda, Ion Perez
Photo by: Gerlyn Mae Mariano, praybeytbenjamin IG
What's Hot

Vice Ganda, gusto nang magkaroon ng anak

By Kristine Kang
Published December 19, 2025 2:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Straight from the Expert: Lechon, the star of every Filipino Christmas table (Teaser)
PRO-10 deploys nearly 500 cops to boost holiday security in NorthMin
Water Resilience - Global Compact Network Philippines | Need To Know

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda, Ion Perez


Handa kaya magpahinga muna si Vice Ganda sa 'It's Showtime' para sa surrogacy? Alamin dito.

Isa sina Vice Ganda at Ion Perez sa mga inspiring couples sa showbiz industry.

Sa loob ng pitong taon na puno ng pagmamahalan, napatunayan ng dalawang It's Showtime host ang kanilang dedikasyon at matibay na relasyon bilang mag-asawa.

Subalit sa kabila ng kanilang matamis na buhay, tila may hinahanap pa rin sina Vice at Ion bilang mag-asawa.

Sa kanyang panayam kasama si Karen Davila, inamin ng Unkabogable Star na nais nilang magkaroon na ng sariling anak.

Aniya, plano nilang bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng surrogacy gamit ang kanyang genes.

"Sabi ni [Ion], ' 'Yung sa'yo...Maganda sa'yo, matalino 'yung sa'yo.' gumaganun siya palagi," kuwento ni Vice.

"Gusto talaga namin. Nag-consult na 'ko sa doktor, pinaplano na nga. Pero I was told na, 'But you will have to rest for three months.'"

Para raw maging maayos ang proseso, kinailangan umiwas muna sa stress at pagod ang comedian.

"Kung kita't kita lang rin naman, parang kaya ko naman magpahinga for three months. But I cannot leave It's Showtime," sabi niya.

"Hindi dahil 'yun sa kita ko [na] mawawala. Hindi naman sa pagmamayabang pero sa sobrang pagmamahal ko sa It's Showtime parang, 'What's going to happen to It's Showtime if i'm not there for three months?' 'Yun nga lang isang linggong wala ako 'di ba. Nauunawaan ko kung bakit ako tinatawagan ng management. Nauunawaan ko kung bakit 'yung mga tao rin nagtu-tweet na 'Nasan ka na? Ayaw namin manood 'pag wala ka.' Na-appreciate ko naman 'yun. Pero sa sobrang pagmamahal ko din doon sa pamilyang iyon, ang hirap silang iwanan."

Bilang hands-on sa fun noontime, hindi kaya ni Vice na iwanan muna ang kanyang trabaho. Ngunit kwento niya, unti-unti rin naghahanap siya ng solusyon o bagong pakulo para dito.

"Kailangan ko talagang mag desisyon at kumbinsihin 'yung sarili ko na you have to let go It's Showtime for three months," aniya kung gagawin ang surrogacy.

"I want kids because I love kids. Gusto kong magmahal ng bata. Gusto kong yumakap ng bata. Gusto kong mahalin 'yung bata. Gusto ko rin tumanggap ng pagmamahal doon sa bata."

Dagdag ni Vice, okay lang naman daw sa kanya ang pag-aampon. Ngunit sa ngayon, mas gusto niya na magkaroon ng sariling anak.

Ikinasal sina Vice at Ion noong October 2021. Masaya rin nila ipinagdiwang ang kanilang 7th anniversary noong October 2025.

Patuloy mapapanood ang mag-asawa sa It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon sa GMA at Kapuso Stream.

Balikan ang love story nina Vice Ganda at Ion Perez sa gallery na ito: