
Kinaaliwan sa social media ang batikang aktres na si Janice De Belen dahil sa naging reaksyon nito sa kanilang tagpo ni Vice Ganda sa “Mini Miss U” segment ng It's Showtime.
Matatandaan na kahapon (August 23), sumabak ang Mini Miss U contestant na si Zyra San Juan sa aktingan kasama ang hosts ng programa at mga hurado ng naturang segment. Sa tagpong ito, makikitang nag-aalok ng chicharon si Vice ngunit hindi niya napansin ang pagkuha sana ni Janice kaya ipinasa niya ito sa iba.
Humingi naman ng tawad ang Unkabogable Star kay Janice sa “Tawag ng Tanghalan” segment ng hit noontime program.
Aniya, “Bago ang lahat, gusto ko lang humingi ng paumanhin kay Ms. Janice De Belen. Nakita ko 'yung video, may part pala do'n hawak ko 'yung chicharon inaalok ko sa kanila. Tapos kukuha si Janice, hindi ko siya napansin tapos tinanggal ko. Kitang-kita do'n sa video. Kalat na kalat sa Twitter.”
“Janice, I love you. Hindi ko napansin kumukuha ka pala ng chicharon,” dagdag niya.
Bukod dito, nag-sorry rin ang komedyante kay Janice sa Twitter, kalakip ang video kung saan makikita ang nangyari.
“Oh my gooossshhh di ko nakita kukuha pala si Janice! Waaahh!!! I'm sorry Janice! Love u! #ShowtimeCutieverse,” tweet ni Vice.
Oh my gooossshhh di ko nakita kukuha pala si Janice! Waaahhh!!!! Im sorry Janice! Love u! #ShowtimeCutieverse https://t.co/5hzzL98u4u
-- jose marie viceral (@vicegandako) August 23, 2023
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 12 noon, at Sabado sa oras na 11:30 a.m. sa GTV.
Panoorin din ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.