GMA Logo vice ganda
What's on TV

Vice Ganda, inalay ang Glow Up Award niya sa co-host na mas deserving

By Aedrianne Acar
Published December 6, 2025 2:20 PM PHT
Updated December 6, 2025 2:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alice Guo to undergo 60-day orientation, assessment in women’s correctional —BuCor
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar
Number coding suspended on Dec. 8

Article Inside Page


Showbiz News

vice ganda


Awaaard ang glow up ni Unkabogable Star Vice Ganda! Pero, bakit nasabi niyang may isa pang mas deserving sa kaniya? Alamin dito:

Napa-throwback ang hosts at audience sa "It's Showtime AWAAARD" ngayong Sabado, December 6.

Naalala kasi ng fans at viewers ng It's Showtime ang matinding glow up ng mga host. Sa huli, nanalo sa kategoryang 'Glow Up Award' ang Unkabogable Star Vice Ganda.

Sa kaniyang acceptance speech, sinabi ni Meme Vice na may isa pa raw co-host na dapat nabigyan ng parangal na ito.

Saad niya, “Marami pong salamat sa pagkilala. Sa mga munting pagbabago, may mga bagay na hindi natin napipigil sa pangyayari. Mabibigla na lang tayo, 'Ay! Nagbago na pala!'

“Kaya nakakataba po ng puso na kinikilala n'yo ang mga munting pagbabago sa aking hitsura.”

RELATED CONTENT: FASHIONABLE MOMENTS OF MEME VICE GANDA

Sa kabila ng pagkapanalo, binigyang-pansin ni Vice ang isa sa mga co-host niya, na sa tingin niya ang deserve din ng award.

"Gusto ko ialay ang award na ito sa isa pang kasamahan na pakiwari ko ay nagpagkaitan ng hustisya. Dahil feeling ko, kung tamang entries ang ibinigay, maari siyang nanalo. Pero dahil ninakawan siya ng tamang entry, hindi siya nanalo.

“Nakita lang kasi natin 'yung before, pero 'yung now kung makita mo, 'Ay, ang laki pala talaga ng change' Ibang klaseng glow up.”

Sabay ipinasilip ni Vice ang larawan kuha ni Teddy Corpuz, na naka-full drag queen. Sabay hirit ni Vice kay Teddy, “Inaalay ko sa'yo ang award na ito mula sa baby isa ka nang diablo [laughs]."

Sa huli, sinabi ni Vice, “Panginoon, maraming-maraming salamat sa araw-araw na ibinibigay mo sa akin para makapag-tiris pa. May this be an inspiration to everyone na hindi pa huli ang lahat. Kaya pa natin gumanda.”