
Goodness gracious!
May bagong pasabog ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kanyang trending character na si Girlie.
Sa kanyang Facebook page, masayang ibinahagi ng host ang kanyang behind-the-scenes ng reimagined transformation matapos ang mahigit 13 taon nang ipalabas ang pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy.
"For today's video, dahil nagva-viral si Girlie ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy, we are going to reimagine the character, Girlie. Sa pagpasok sa It's Showtime, Girlie-Girlie tayo," bati ni Vice.
Habang isinasagawa ang kanyang transformation, ibinahagi rin ni Vice ang ilang kuwento mula sa paggawa ng nasabing pelikula. Kabilang dito ang iconic makeup look ng karakter.
“This is Girlie's signature look, smoky smoky (eyes). Pero siyempre ngayon mas polished itong smoky na gagawin natin kasi sa shooting mabilisang transformation dun dahil palit ako nang palit ng look," patawang kuwento ni Vice.
"Kaya minsan itim na lang, wala nang blending. Mag-eyeliner ng itim para mukhang smoky. Ngayon, this is the reimagined smoky eyeshadow of Girlie.”
Matapos ang hair and make-up, game na sinuot ni Vice ang trademark na striped top at pulang palda ni Girlie.
Agad namang pinusuan ng madlang people ang pagpasok ng karakter sa It's Showtime studio. Marami pa sa kanila ang kabisado ang iconic lines ng karakter.
"Kanina gandang-ganda ako sa sarili ko tingin ako sa salamin. 'Tapos si Ion (Perez), nakatingin sa akin," ani Vice na kiniligan ng lahat.
Ngunit pabirong dagdag niya, "Alam mo sabi niya? 'Hanggang kailan ka ganyan?' Parang 'di ka masaya. Naalibadbaran siya, e."
Nagpasalamat din si Vice sa mainit na pagtanggap ng publiko sa kanyang karakter at pelikula.
"Maraming salamat lalo na sa mga Gen Zs na ngayon pa lang nasaksihan ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy," sabi niya.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang unkabogable looks ni Vice Ganda sa gallery na ito: