
Isang bonggang sorpresa ang handog ng Unkabogable Star na si Vice Ganda para sa mga Kapuso at Madlang People!
Nitong Huwebes (September 3) sa It's Showtime, masayang ibinunyag ng comedian ang official poster ng kanyang upcoming chat show na Gandang Gabi Vice.
READ: 'Gandang Gabi Vice,' mapapanood na sa GMA
Ngayong mapapanood na sa GMA ang bagong season ng programa, kaabang-abang ang fresh na kulitan, tawanan, at kuwentuhan kasama ang mga bagong guest ni Vice!
"I'm just so happy to share with everyone. Yesterday, we had our first Gandang Gabi Vice taping. Yes!" ani ng host.
"Sure na sure na. Nakapag-taping na po ako kahapon. Naisingit na po natin 'yan. So sure na sure na," dagdag niya.
Ibinahagi rin ng Unkabogable Star na maging siya ay looking forward sa mga makakasama niya sa late-night show, lalo na sa magiging unang guest nito.
READ: Vice Ganda's wish list of Kapuso guests in Gandang Gabi Vice on GMA
Abangan ang Gandang Gabi Vice new season ngayong September 13, 10 p.m. sa GMA!
Samantala, patuloy na nagbibigay ng saya rin ang Unkabogable Star sa fun noontime program na It's Showtime, weekdays hanggang Sabado, 12 noon sa GMA at Kapuso Stream.
Silipin ang unkabogable fashion style ni Vice Ganda sa gallery na ito: