
Nagsalita si Vice Ganda tungkol sa kahalagahan ng tamang pagpapasweldo sa mga guro sa bansa. Ito ay kaniyang inihayag sa selebrasyon ng Teacher's Day.
"Nabibigay po ba yung value ninyo as a teacher?" Tanong ni Vice sa teacher na si Lenlen na naging bahagi ng It's Showtime noong October 4.
PHOTO SOURCE: Facebook: Vice Ganda
Nagkuwento si Vice sa It's Showtime ng mga pinagdadaanan ng mga guro sa Pilipinas at sa ibang bansa. Hindi napigilan ni Vice na i-share din ang kanyang napanood na interview kamakailan tungkol sa mga Filipino teachers sa Vietnam.
Ani Vice, "Mayroong interview ng isang opisyal sa Vietnam kasi ang ganda ganda na ngayon ng sistema ng education sa Vietnam. Ang advance nila at ang ganda ganda ng quality ng education sa Vietnam. Tapos tinanong siya [kung] ano'ng sikreto bakit gumanda ng ganito ang education system ng Vietnam.' Ang sagot niya, 'Filipino teachers.'"
Dugtong pa ni Vice, "Kumuha sila ng Filipino teachers sa Vietnam at 'yun daw ang nagpataas ng antas ng edukasyon sa Vietnam."
Inilahad pa ni Vice ang naging pagpapahalaga sa mga gurong Pinoy sa Vietnam.
"'Yung mga Filipino teachers nagpunta doon at sinasabi ng Filipino teachers, ang sarap ng buhay nila. Well-compensated at may seguridad silang nakukuha sa gobyerno dahil ang taas ng tingin sa kanila bilang mga guro at educators."
Tanong naman ni Vice kay Lenlen, "Nakita niyo ba kung gaano kalayo ang buhay ng politicians kumpara sa buhay ninyong mga guro? Sino ang mas mahirap ang trabaho sa inyo?"
Sa segment na ito ay nagsalita na rin si Vice tungkol sa karapatan ng mga guro.
"I would like to lend my voice to you kasi parang hindi ninyo masasabi, pero kailangan nating swelduhan ng mas mataas ang mga guro. Naswelduhan siguro kayo nang tama kung hindi kayo ninakawan."
Dugtong pa ni Vice, "Kaya po mababa ang sweldo ninyo kasi ninakawan kayo."
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA CELEBRITIES AT PERSONALITIES NA NAGING BAHAGI NG SEPTEMBER 21 RALLIES: