
Present ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa naganap na Christmas Tree Lighting ceremony sa Araneta City, Cubao.
Kasama rin sa naganap na event ang ilang former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na sina Mika Salamanca, Brent Manalo, Klarisse De Guzman, at Bianca De Vera, na mga naghatid ng masayang performances.
Sa “Chika Minute” report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, ibinahagi ng seasoned host at comedian ang isa sa kaniyang wishes para sa Kapaskuhan.
“Sana umayos itong bansang ito. Sana magkaroon siya ng hustisya, mabigyan ng hustisya ang lahat ng mga mamamayang Pilipino na nawalan, nasaktan, at namatayan dahil sa kapabayaan at dahil sa garapal na korapsyon sa bansang ito,” aniya.
Noong Setyembre, kabilang si Vice Ganda sa mga personalidad na nakiisa sa kilos-protesta laban sa katiwalian.
Related gallery: Celebrities and personalities take part in September 21 rallies
Panoorin ang buong “Chika Minute” report sa video na ito.
Samantala, subaybayan si Vice Ganda sa noontime variety show na It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.