GMA Logo Vice Ganda
Photo by: Joviland Rita/GMA Integrated News
What's Hot

Vice Ganda, may balak bang pumasok sa politika?

Published December 19, 2025 4:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

City nabs suspects in anti-mendicancy poster vandalism
Angelina Jolie, ipinakita ang pilat mula sa kaniyang operasyon sa dibdib na mastectomy noong 2013
MPTC waives toll fees on its expressways on Christmas Eve, New Year's Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda


Vice Ganda: 'Ako 'yung tao hindi ko kayang sinasarili 'yung nararamdaman ko.'

Maliban sa pagpapatawa, kilala rin si Vice Ganda bilang isa sa mga empowered celebrities na hayagang nagbibigay ng opinyon o reaksiyon sa mga isyung panlipunan.

Aktibo rin siyang nakikisama sa mga rally at paminsan-minsa'y tinatalakay ang mahahalagang usapin sa noontime program na It's Showtime.

Ang pagiging outspoken ni Vice ay may pinanggagalingang makabuluhang kuwento pala mula sa kaniyang kabataan.

Sa isang panayam sa channel ni Karen Davila, ikinuwento ng comedian kung paano nahubog ang kaniyang interes sa politika at mga isyung panlipunan.

"Kasi nga lumaki ako sa isang payak na komunidad, e. Bata pa lang ako, ang dami kong nakikita dahil don sa komunidad na 'yon ang daming nangyayari. Pinalaki rin ako ng mga magulang ko na malaya. Malayang magbigay ng opinyon, intepretasyon. Malaya akong gamitin 'yung boses ko," pahayag ni Vice.

Ayon pa sa kaniya, madalas manood ng balita ang kaniyang mga magulang, habang sa eskwelahan naman ay araw-araw silang may news reporting o mga takdang-araling may kaugnayan sa mga nangyayari sa bansa.

Dahil dito, nahilig siya sa mga usaping panlipunan at pampolitika. Nag-aral pa siya ng Political Science at minsang pinangarap na maging abogado.

"Ako 'yung tao hindi ko kayang sinasarili 'yung nararamdaman ko. Lalong-lalo na 'yung nararamdaman ko na 'yung nararamdaman ko dapat malaman ng ibang tao. I'm given the platform, opportunity, the reponsibility to use my voice. Not just for myself," dagdag niya.

Sa kabila ng tagumpay, yaman, at maayos na buhay, nananatili ang hangarin ni Vice na ipaglaban ang madlang people na itinuturing niyang pamilya.

Gayunman, inamin din ng Unkabogable Star na may kasama na takot ang kaniyang paninindigan.

"I get scared. My family feels scared for me. Natatakot din pero I am very passionate about these things. I take these things personally. Lumalaban 'yung puso ko na nakakatakot pero hindi, sasabog din kasi 'yung puso ko, e. 'Di tungkol lang kasi sa akin. Ipinaglalaban ko 'yung madlang people na nakipaglaban din para sa akin, para mapunta ako sa posiyon na 'to."

Nang tanungin kung may balak ba siyang pumasok sa politika o tumakbo sa Senado, mariin niya itong tinanggihan.

"Hindi siya bukal sa kalooban ko. Hindi siya ang gusto ng puso ko.Hindi siya ang gusto kong gawin. Gusto kong magpatawa. Kung pipiliin ko 'yung public service, kailangan kong i-devote 'yung buong buhay ko sa public service. Buong puso, buong buhay mong ibibigay doon sa public service, e," paliwanag niya.

"Instantly, honestly, and simply (say) no," dagdag pa niya tungkol sa mga umaalok sa kaniyang tumakbo.

Sa kasalukuyan, nananatiling nakatuon si Vice Ganda sa kaniyang karera bilang komedyante, host, at movie star.

Patuloy rin siyang nagbibigay ng saya at aliw kasama ang iba pang hosts ng It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 ng tanghali sa GMA at Kapuso Stream.

Tingnan ang iba pang celebrities na ginamit ang kanilang plataporma laban sa katiwalian sa gallery na ito.