GMA Logo Vice Ganda in Bubble Gang
What's on TV

Vice Ganda, may natupad na goal this 2025

By Aedrianne Acar
Published October 14, 2025 12:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

8 Filipinos who brought glory to the Philippines in 2025
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda in Bubble Gang


Paldong-paldo ang showbiz career ng Unkabogable Star Vice Ganda ngayong 2025. Ano itong matagal na niyang 'minanifest' na finally natupad this year?

Hashtag "blessed" ang mindset ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ngayong taon.

Itinanghal siya noong Agosto bilang Best Actor sa FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) at mapapanood uli siya sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre kung saan makakasama niya si Nadine Luster sa entry na Call Me Mother.

Pero isang goal pa ang natupad din ni Meme Vice this year at ito ang makapag-guest siya sa Pambansang Comedy show na Bubble Gang.

Sa inilabas na teaser ng Kapuso gag show para sa kanilang 30th anniversary special, makaka-collab ng Kapamilya comedienne si Mr. Assimo. Nauna nang sinabi rin ni Direk Michael V. sa panayam sa GMANetwork.com na gusto niyang makasama sa anniversary presentation ng Bubble Gang ang mga host ng It's Showtime.

Sa video ng Kapuso Showbiz News nang makausap si Vice, sinabi nito na matagal na niyang minanifest ang opportunity na makapag-guest sa Bubble Gang.

Dagdag pa ng superstar comedienne na ang guesting na ito sa longest-running gag show ang kukompleto sa pagiging komedyante niya.

Paliwanag ni Meme Vice, “Malaki ang impact ng Bubble Gang sa comedy, kasi iba't ibang uri ng comedy 'yung pinapakita dito. Maraming natuto na mga komedyante sa mga pamamaraan ng pagpapatawa. So lahat 'yun makikita mo sa Bubble Gang. 'Tsaka, 'yung sinasabi ko nga 'pag komedyante ka magku-kompleto ng pagiging komedyante mo pagka nakapag-Bubble Gang ka.”

Bukod kay Vice, mapapanood din sa two-part special na BG30: Batang Bubble Ako Concert sina Ogie Alcasid, Aiai Delas Alas, ESNYR, Jillian Ward, Rhian Ramos, Emil Sumangil at marami pang iba.

RELATED CONTENT: Prime stars featured on 'Bubble Gang''s 30th anniversary special