GMA Logo Vice Ganda at Belen in its showtime
Source: It’s Showtime
What's on TV

Vice Ganda, may paalala sa publiko nang marinig ang kuwento ng senior citizen na bus vendor

By Aedrianne Acar
Published December 8, 2025 2:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

ICI chair on Marcos’ push for creation of IPC: ‘Good news’
SK Federation Nagtinguha nga Makamugna og Database sa Youth Network of Volunteers | Balitang Bisdak
Sweet Couple, naadik sa paggawa ng ONLINE CONTENT | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda at Belen in its showtime


'Laro Laro Pick' contestant na si Belen, nagkuwento tungkol sa buhay pamilya niya at pagiging bus vendor sa 'It's Showtime.'

Nakakaantig ang naging chikahan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda kasama ang bus vendor na si Belen sa "Laro Laro Pick" segment ng It's Showtime ngayong Lunes, December 8.

Si Nanay Belen na may edad na 61-years-old ay 25 limang taon nang bus vendor sa Lipa, Batangas.

Nausisa tuloy ni Vice ang contestant kung may plano ba ito magpahinga lalo na at senior citizen na siya.

“Hanggang kaya ng aking paa.

“Opo, meron po. Sabi ko lang ay hangga't kaya ko eh di aking gagawin para sa aking apo at anak. Kasi, wala na hong kasama, apo na lang na dalawa. Gusto ko matapos ang aking apo ng pagha-highschool tsaka 'yung aking tatlong taong apo. Yun lang po, para sa mga anak kong dalawa.”

Napabilib din ang It's Showtime hosts na bukod sa pagiging bus vendor ay barangay tanod din si Belen.

Papuri sa kaniya ni Vice Ganda, “Actually hindi siya trabaho, volunteerism kasi yan 'di ba. Yang nakakapagbigay din ng pinagkaabalahan sa mga senior 'di ba.”

Sumunod na tanong ni Meme, “Nanay Belen, ang sipag-sipag mo. 60 plus ka na, nagtatrabaho. Ang tanong ko, hindi ka napapagod?”

Tugon niya, “Minsan napapaiyak na lang sa sarili na nag-iisa, sabi ko parang walang nagmamahal sa akin, ganun. Minsan napapansin ako ng mga pasahero, 'bakit ka ganiyan Ate?' ganun."

"Bakit pakiramdam mo walang nagmamahal sa 'yo?", dagdag na tanong ng award-winning comedian.

“Wala, eh kasi, [sa] hirap ba naman ng buhay ko eh. Lahat ako, ganun, 'yun lang,” tugon ni Belen.

“Madami ako pinagdaanan sa aking mga apo, lalo na 'yung panganay na apo. Nabuntisan ng may asawa. Sapul! Ako lahat.”

Matapos ang kuwento ni Belen, may iniwang paalala si Vice Ganda sa lahat ng Madlang Pipol.

Aniya, “Ang dami nating mga Madlang Pipol na hindi mo masukat kung anong klaseng hirap 'yung pinagdaanan ngayon, pero, lalo na ngayong Pasko. Wake up call ito sa atin na, sa ating mga anak, sa ating mga apo, sa ating mga nanay, sa ating mga tatay. Katulad dun sa sinabi niya, sa palagay mo nararamdaman ba 'yung pagmamahal mo?

“Lalo na ngayong Pasko, napakahalaga. Kailangan natin makasiguro na 'yung pagmamahal natin, nararamdaman ng nanay natin, nararamdaman nung asawa natin. Nararamdaman nung kapatid natin, nung tatay natin 'di ba. Kasi, pagod tayong lahat, lahat tayo magulo ang isip. Pero iba 'pag nararamdaman mo may nagmamahal sa'yo.”

RELATED CONTENT: FASHIONABLE MOMENTS OF MEME VICE GANDA