
Zodiac sign ang usapan, pero bakit mapanakit?
Panalo na naman ang hirit ni Vice Ganda sa viral segment ng It's Showtime na 'EXpecially For You' ngayong Lunes (May 27) kung saan tampok ang searchee na si Keann at ex-girlfriend niya na si Jamie.
Naging topic ng It's Showtime host na sina Vice Ganda, Jhong Hilario, Vhong Navarro, at Kim Chiu ang compatibility base sa zodiac sign.
Kuwento kasi ni Kean na isang Aquarius na compatible raw siya sa mga babae na Virgo ang zodiac sign tulad ng ex niya na si Jamie.
Dito sinabi ni Meme Vice na hindi siya naniniwala sa mga horoscope. Aniya, “Hindi rin ako masyado naniniwala sa mga horoscope lalo na sa mga dyaryo. Kasi nung college ako, 'yung best friend ko writer siya. Nagsusulat siya ng ganiyan sa dyaryo.
“Tapos minsan kapag wala na siya maisip tinatanong niya kami, kami na rin nag-iisip kung ano 'yung [isusulat niya.]”
Napa-comment naman si Kim na: “Charot, charot lang 'yun? Favorite ko pa naman 'yung astrology.”
Sabay hirit sa kaniya ng Unkabogable star na, “Oh, tingnan mo naloko ka rin.”
Sumunod na nagpaliwanag si Vice Ganda na marami naman naloloko sa panahon ngayon.
Paliwanag ng award-winning comedienne, “Naloko ka nung nabasa mo. Marami naman tayong naloloko sa mga nababasa, sa mga napapanood. 'Di ba 'yung mga fake news? Naloloko tayo ng mga 'yan.”
Alamin ang buong kuwento ng love story nina Kean at Jamie na bida sa 'EXpecially For You' sa video below.
RELATED CONTENT: ARTISTAHING 'EXPECIALLY FOR YOU' SEARCHEES