GMA Logo Vice Ganda on love story of Third and Xiobe
What's on TV

Vice Ganda, may payo para sa maayos na pagwawakas ng relasyon

By Aedrianne Acar
Published August 29, 2024 4:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCSO: No winners in 6/49, 6/58 lotto draws on Sunday, Dec. 28
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda on love story of Third and Xiobe


Sa segment ng 'It's Showtime' na “EXpecially For You” tampok ang dating magkarelasyon na sina Third at Xiobe, bakit nasabi ni Third na tila nauwi sa ghosting ang nangyari sa kanila ng ex-girlfriend?

May gustong iwanang payo ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kuwento ng EXpecial couple na sina Third at Xiobe na tampok sa “EXpecially For You” ngayong Huwebes, August 29.

Tumagal ng limang buwan ang matamis na relasyon nina Third at Xiobe, ngunit sa kasamaang palad ay nauwi ito sa panlalamig at tumuloy sa panggo-ghost nila sa isa't isa.

Umamin ang ex-couple na napabayaan nila ang kanilang relasyon dahil naging busy sila noon sa kani-kanilang mga priorities.

Paliwanag ng searchee na si Third sa It's Showtime: “Hindi po kami umabot sa ganung point…Parang ghosting na po 'yung nangyari sa amin, ako po last chat nun.”

“Nireplayan ko po 'yung sorry niya na okay lang. 'Tapos, wala na po.

“Nag-sorry po kasi siya dahil 'di ba po naging busy siya sa pagkandidato [SK Kagawad]. Then, 'yun pong pag-reply ko po sa kaniya ng okay lang. Hindi na po niya na-replayan.”

Dito sumingit ang guest host na si Bela Padilla at may nilinaw kay Third. Aniya, “Sorry Third ha. Pero 'yung reply mo na okay lang. Hindi ko siya maco-consider na last chat, kasi hindi ka naman nagsabi ng parang wala ka naman tinanong na next sentence. So parang in a way ghinost n'yo 'yung isa't isa. Hindi 'to si Xiobe lang.”

Nag-agree naman ang searchee sa opinyon ni Bela.

Dagdag ni Third na natutunan niya sa nangyari sa kanila ni Xiobe na sa susunod na magkaka-girlfriend siya ay mahalaga na palalimin nilang dalawa ang bond nila.

Sabi niya sa mga It's Showtime hosts, “Kung papasok man uli ako sa isang relasyon, kailangan ko po muna palalimin po 'yung bond po naming dalawa, kasi darating po 'yung time magkaka-work na po kami. Mas malalang priorities po 'yung darating sa amin. Kaya may chance siguro maulit 'yung ganun sitwasyon.”

Xiobe and Third s love story

Source: It's Showtime & GMA-7

Sa mga narinig ni Meme Vice sa dalawang ex-lovers, may iniwan siyang paalala sa viewers ng It's Showtime.

“Pero ang mahalaga dapat nagpapaalam ng maayos. Dapat tinatapos natin ang mga sinimulan natin ng maayos. Kailangan meron tayong paninindigan 'di ba,” diin ng Kapamilya comedienne.

“Sinimulan natin 'to e. Tapusin natin ng maayos.”

RELATED GALLERY: ARTISTAHING 'EXPECIALLY FOR YOU' SEARCHEES