
Isa na namang makabuluhang kuwentuhan tungkol sa pag-ibig ang naging tampok sa fun noontime program na It's Showtime.
Sa dating segment na "Step in the Name of Love," umani ng papuri at atensyon ang pagtalakay sa mga temang pagmamahalan, sakripisyo, at mga takot na kinakaharap sa isang relasyon.
Nagsimula ang usapan nang aminin ng contestant na si Ranj, "I may be authoritative, but I like the feeling that my woman can make me bend."
Agad itong ikinagulat ng madlang people at hosts, lalo na si Vice Ganda.
"Why would you want a woman to make you bend? Why don't you just bend to your woman?" tanong ng Unkabogable Star. "I mean if you love the person, you will naturally bend to your woman, adjust, and be flexible. Why would you want to see an extra power from a woman that will make you bend?"
Ipinaliwanag ni Ranj na ang kaniyang pananaw ay bunga ng mga nakaraang karanasan kung saan madalas siyang masaktan kapag may mas may awtoridad ang babae sa relasyon.
"So meron na akong mentality na parang it's a protection to myself. But that doesn't mean na I'm trying to put control," dagdag ni Ranj.
Nagbigay naman ng payo si Vice na huwag maging “too hard” sa sarili at hayaan lamang magmahal ng natural.
"'Yung salitang authority, kailangan ba may authority sa relationship? 'Di ba puwede kayo pantay? Kasi 'pag authority 'di ba the person has the authority over the other," sabi ni Vice.
Sagot naman ni Ranj, "When you give authority, you give the power for them to hurt you (and) hoping for them not to use it on you."
Mas lumalim ang diskusyon nang magbahagi ng opinyon si Vice tungkol sa koneksyon ng pag-ibig at sakit.
"When you give someone the opportunity to love you, you're opening the possibility of being hurt by that person because mahal mo siya...Magkambal sila. 'Pag minahal ka niya, masasaktan at masasaktan ka niya. Kasi hindi ka masasaktan ng tao kundi mo mahal."
Paliwanag pa ni Vice, "You just have to accept and embrace that fact because that's part of being in love. That hurt will add beauty to that kind of love that you will feel. So don't over protect yourself from getting hurt because whatever you do, you will still get hurt and that is a fact."
Bilang miyembro ng LGBTQ+ community, inamin din ng Unkabogable Star na ilang beses siyang nasaktan bago makilala ang kaniyang asawa na si Ion Perez.
"Hindi ako natatakot masaktan kasi kapag masyado ako natakot masaktan, hindi ko mararamdaman 'yung sarap ng pagmamahal because of fear. 'Yung fear will take away that chance to experience the beauty of that one thing. So do not allow any fear to take away the opportunity for you to experience something so beautiful."
Sa huli, labis ang pasasalamat ni Vice sa masayang pagmamahalan nila ni Ion na patuloy na tumatagal sa pagdaan ng mga taon.
Subaybayan ang It's Showtime Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
BALIKAN ANG KANILANG PAG-UUSAP TUNGKOL SA PAG-IBIG SA VIDEO NA ITO: