GMA Logo Vice Ganda
Source: praybeytbenjamin (Instagram)
Celebrity Life

Vice Ganda, minash up ang 'APT' at 'Boom Panes'

By Marah Ruiz
Published November 3, 2024 6:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD: Over P8.4M in relief aid given to Albay LGUs affected by Mayon Volcano unrest
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda


Ibinahagi ni Vice Ganda ang isang mash up niya ng "APT" nina Rosé at Bruno Mars at sarili niyang kantang "Boom Panes."

Nagkaroon ng impromptu performance si Unkabogable Star Vice Ganda habang nagbabakasyon sa isang luxury resort sa Davao del Norte.

Suot ang kanyang blue swimsuit, shades, at silk scarf na nakabalot sa kanyang ulo, ni-lipsync ni Vice ang kanyang "APT" ni BLACKPINK member Rosé at American singer songwriter Bruno Mars habang paikot-ikot sa beach.

Maya-maya lang ay nag-transition na ito sa kanyang hit song na "Boom Panes."

Sinamahan pa si Vice ng ilang sa kanyang mga kaibigan at ginawa pa ng grupo ang signature dance moves ng kanta.

@unkabogableviceganda Discovery Samal #ViceGanda #fyp #APT #BoomPanes ♬ original sound - Jp's so bad

Ang "Boom Panes" ay mula sa pangatlong album ni Vice na #Trending.

Ni-release ito noong 2014 at umabot pa ng Gold Status ayon sa tala ng Philippine Association of the Record Industry (PARI).

Samantala, nakatakdang bumida si Vice sa pelikulang And The Breadwinner Is..., isang official entry sa upcoming 2024 Metro Manila Film Festival.

Mula sa direktor na si Jun Lana, ang family comedy drama film na ito ay tungkol sa isang overseas Filipino worker (OFW) na uuwi sa Pilipinas para makapiling ang kanyang pamilya.

Buong pag-aakala niya ay patapos na ang ipinapagawa niyang dream house, pero ang kanilang luma at sira-sira nang bahay ang sasalubong sa kanyang pagbabalik-bayan.