GMA Logo Vice Ganda
Photo by: Vice Ganda
What's Hot

Vice Ganda, muling nakatanggap ng Box Office Hero award sa The EDDYS; inialay sa LGBTQIA+ community

By Aimee Anoc
Published July 6, 2026 4:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitang Bisdak: July 6, 2026 [HD]
Impeachment court can't compel Sara Duterte to attend trial - spox
Mga bagets, saya at kurot ang na-experience sa rolling perya | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda


"Inaalay ko 'to kina Paolo Ballesteros, KaladKaren, John Lapus, Esnyr, Queen Dura, Mimiyuuuh, sa lahat ng mga baklang content creators, sa lahat ng mga drag queens na ngayon ay namamayagpag din, sa lahat po ng mga bahagi ng aming komunidad." - Vice Ganda

Umaapaw ang pasasalamat ng It's Showtime host at Unkabogable star na si Vice Ganda nang muling kilalanin sa 9th Entertainment Editors' Choice Awards (The EDDYS), na ginanap noong Linggo, July 5, sa Newport World Resorts sa Pasay City.

Kabilang si Vice sa mga nakatanggap ng Box Office Heroes para sa success ng pelikula niyang Call Me Mother.

Sa kanyang speech, pinasalamatan ni Vice ang The EDDYS para sa pagbibigay muli sa kanya ng parangal na ito. Noong nakaraang taon, nakakuha siya ng Box Office Hero award para sa pelikulang And The Breadwinner Is...

Pinasalamatan din ni Vice ang co-actors at crew na nakasama niya sa pelikula. Maging ang kanyang mga tagahanga at ang madlang people.

"Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng aking mga Little Ponies, sa lahat ng madlang people na patuloy na naniniwala, tumatawa sa mga hirit ko. Naniniwala sa mga pelikula kong makakapagpatawa sa kanila. At masayang-masaya po ako na noong nakaraang taon nabigyan ulit ako ng pagkakataon na makapagbigay ng iba pang lasa bukod sa komedya sa pamamagitan ng kuwentong idinirehe ni Direk Jun Lana," sabi ni Vice.

"Maraming-maraming salamat din po sa Metro Manila Film Festival dahil binigyan n'yo ako ng pagkakataon at ng plataporma na makapagbigay ng pangkaraniwang kuwento ng mga tulad ko na nasa LGBTQIA+ community, ang kuwento ng pagiging ina na hindi palagiang napag-uusapan sa lipunan dahil ito ay hindi rin masyadong tanggap pa at hindi pangkaraniwan sa pandinig, panlasa, at paningin ng marami. Kaya maraming-maraming salamat po," dagdag niya.

Inialay naman ni Vice ang natanggap na award sa mga kapwa niya nasa LGBTQIA+.community.

"At inaalay ko rin po itong award ko na ito na Box Office Hero sa lahat ng mga kasama ko sa komunidad na sa ngayon ay kasama ko bilang puwersa na humahamon sa sistema na nakasanayan at pangkaraniwan.

"Inaalay ko 'to kina Paolo Ballesteros, KaladKaren, John Lapus, Esnyr, Queen Dura, Mimiyuuuh, sa lahat ng mga baklang content creators, sa lahat ng mga drag queens na ngayon ay namamayagpag din, sa lahat po ng mga bahagi ng aming komunidad na ngayon ay nagniningning at nabibigyan din ng panahon, ng spotlight, at ng pagkakataon upang makapagpakita ng kanilang talento sa industriyang ito."

Samantala, subaybayan si Vice Ganda sa It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Related content: Celebrities who are proud members of the LGBTQIA+ community