GMA Logo Vice Ganda
Source: It’s Showtime
What's on TV

Vice Ganda, nagbalik sa 'It's Showtime' bilang si 'Girlie'

By Mark Joseph F. Carreon
Published April 18, 2026 6:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Batang babae na nalunod, natagpuan sa Binangonan
Celebrating Filipino Food Month with flavors from across the archipelago
Fans ng Huwag Kang Titingin' stars, todo ang suporta sa sunod-sunod na block screenings nationwide

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda


Goodness gracious! Nagbabalik ang iconic character na si Girlie mula sa pelikulang 'Girl, Boy, Bakla, Tomboy'!

Muling nagpakitang-gilas ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kaniyang pagbabalik sa It's Showtime ngayong Sabado, Abril 18, 2026.

Hindi lang basta pagbabalik ang hatid ni Vice; binuhay niya ang isa sa kaniyang pinaka-iconic na karakter si Girlie mula sa 2013 blockbuster movie na Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

Matatandaang nag-leave si Vice mula sa It's Showtime matapos ang kanyang ika-50 na kaarawan noong Marso 31.

Ginugol niya ang kaniyang oras sa isang bakasyon sa Amanpulo, Palawan, kasama ang pamilya, kaniyang asawang si Ion Perez, at ang kanilang mga malalapit na kaibigan.

Bago ang kaniyang pagbabalik sa studio, inunahan na ni Vice ang excitement ng mga fan sa kaniyang Instagram Stories noong Biyernes, kung saan ginamit niya ang boses ni Girlie.

“Papasok na ko. Oh my god, I cannot take this anymore! No Way!” sabi ni Vice sa naturang Instagram story.

Sa kaniyang pagbabalik, kitang-kita ang panibagong energy at good vibes na dala ng host para sa "madlang people." Hindi naman napigilan ng hosts ng noontime show na ipaabot ang kanilang pagka-miss kay Meme Vice.

Naging mainit ang pagtanggap ng mga madlang people sa pagbabalik ni Vice at ng karakter nitong si Girlie, lalo na't naging viral ang linyang “Goodness gracious!” sa social media nitong nakaraang mga linggo.

Ginamit ito ng mga netizens bilang background audio sa iba't ibang TikTok trends at video stickers, na nagpapatunay na hindi nawawala ang hatak ni Vice sa masa.

Patuloy na panoorin si Vice Ganda in the noontime variety show na It's Showtime, tuwing lunes hanggang Sabado, 12 p.m. sa GMA and Kapuso Stream.

Related Gallery: Vice Ganda and Ion Perez's beachj getaway