GMA Logo Vice Ganda
PHOTO COURTESY: ABS-CBN Entertainment (YouTube)
What's on TV

Vice Ganda, nagpasalamat sa ex-partner na nanloko sa kanya noon

By Dianne Mariano
Published March 13, 2024 2:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang aso, nakaranas ng kalupitan
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda


'It's Showtime' host Vice Ganda sa kanyang ex-partner: 'Thank you for fooling me and leaving me because that led me to my Ion now'

Ikinuwento ng actor at television host na si Vice Ganda ang kanyang heartbreaking experience tungkol sa kanyang ex-partner.

Sa “EXpecially For You” segment ng programang It's Showtime kamakailan, napag-usapan ang rason ng paghihiwalay ng kanilang featured ex-couple, kung saan hindi pumayag ang lalaki na mangibang bansa ang kanyang dating nobya upang magtrabaho hanggang sa nauwi sa break up ang kanilang relasyon.

Dahil dito, ikinuwento ng Unkabogable Star ang kanyang naging experience noong siya'y nagtatrabaho noon sa Guam at naiwan sa Pilipinas ang kanyang dating boyfriend.

“Six months ako sa Guam, performer ako do'n. So nire-renew ako n'ong manager ko na gusto nila another six months, mag-residency… Sabi ko, 'Hindi, gusto ko na umuwi kasi mamamatay na 'ko, gusto ko na makasama 'yung jowa ko,” ani Vice Ganda.

Ayon sa komedyante, sinundo siya ng kanyang ex-partner sa airport at pumunta sa isang mall para bumili ng Playstation dahil gusto ito ng huli.

“Pag-uwi namin… nakikipaghiwalay siya kasi may nabuntis siya,” dagdag niya.

Patuloy ng TV host, “Pero nagpabili pa siya ng Playstation. Kinuha niya pa lahat, 'yung mga pasalubong ko, lahat kinuha niya. Pero no'ng gabi, nakabuntis siya. Sinabi niyang 'mayroon akong girlfriend tapos buntis siya.

“Hindi naman sa pag-aano, pero oo, pinasalubungan [kita] pero ikaw, kukunin mo pa ba 'yun?”

Sa kabila ng karanasang ito, nagpasalamat pa rin si Vice Ganda sa kanyang dating karelasyon.

“Thank you because you prepared me to be who I am right now. That situation prepared me to be this kind of person now.

“And thank you for fooling me and leaving me because that led me to my Ion now,” saad niya.

ALAMIN ANG HAPPY LOVE STORY NINA VICE GANDA AT ION PEREZ SA GALLERY NA ITO.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m., at Sabado sa oras na 12 noon sa GTV.