GMA Logo Vice Ganda, Awra Briguela, Jackie Gonzaga
PHOTO COURTESY: It’s Showtime
What's on TV

Vice Ganda, nakatanggap ng mga mensahe mula sa kanyang mga anak-anakan

By Dianne Mariano
Published July 10, 2025 12:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mister, hinabol ni misis na armado ng itak sa Northern Samar
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda, Awra Briguela, Jackie Gonzaga


Hindi napigilang maluha ng Unkabogable Star na si Vice Ganda nang marinig ang mga mensahe ng kanyang mga anak-anakan sa showbiz.

Nakatanggap ng heartwarming messages ang Unkabogable Star na si Vice Ganda mula sa kanyang mga anak-anakan sa showbiz industry.

Sa episode ng noontime variety show nitong Miyerkules (July 9), ipinakita ang inihandang video kung saan nagbigay ng mensahe ang mga anak-anakan ng It's Showtime host at una na rito ang aktres na si Awra Briguela.

Para kay Awra, si Vice Ganda ang isa sa naging sandigan niya noong mga panahon na nasangkot siya sa gulo.

“Hindi niya ako iniwan at pinili niya po akong tulungang harapin ang problema kasama siya dahil nandoon po siya, kinaya ko. Si Meme Vice rin po ang nag-encourage sa akin na bumalik sa pag-aaral. Naniniwala po siya sa akin kaya kailangan ko rin maniwala sa sarili ko na kaya ko,” aniya.

Sumunod naman dito ay ang SB19 member na si Stell. Ayon kay Stell, itinuturing na rin niyang pamilya ang Unkabogable Star.

“Makakausap mo anytime of the day. Nanonood ng concert namin and ginamit niya pa 'yung music namin na 'MAPA' sa movie niya na And The Breadwinner Is. Mahal na mahal ka namin and we're very thankful po sa lahat ng mga natulong mo sa amin,” pagbabahagi ni Stell.

Para naman sa comedian na si Chino Liu, o Krissy Achino, mapagbigay at may malasakit si Vice Ganda sa ibang tao, lalo na sa mga mahal niya sa buhay.

“She's always been a mother to us. Selfless at iniisip niya lang 'yung kapakanan ng mga tao na nasa paligid niya, lalo na kapag mahal ka niya. Ang isa sa hindi ko makakalimutan na sinabi sa akin ni Meme, 'Bongga ang pangarap, basta magpupursigi ka. Malaki ang entablado, kasya tayong lahat. Hindi natin kailangan magsiksikan,'” saad niya.

Labis din ang pasasalamat ng It's Showtime host na si Jackie Gonzaga kay Vice Ganda, na kanyang manager, dahil sa mga advice at paggabay sa kanya sa mundo ng showbiz at maging sa personal niyang buhay.

“Naging motherly si Ate sa akin simula nung mag-click 'yung banter moments sa Miss Q&A. Gina-guide niya ako, nurturing din siya that time sa akin kasi hindi pa naman ako maalam sa kalakaran rito sa industriya. And up until now, ganon pa rin siya sa akin, nabibigay siya sa akin ng advice, guidance, even sa personal life. Kaya I love you, Ate,” aniya.

Hindi naman napigilan ni Vice Ganda na maluha nang marinig ang mga heartwarming messages ng mga anak-anakan niya sa industriya.

Samantala, mayroong upcoming movie ang seasoned actor-comedian na Call Me Mother, na isa sa official entry ng 51st Metro Manila Film Festival, at makakasama niya rito ang aktres na si Nadine Lustre.

Alamin ang iba pang messages ng celebrities na anak-anakan ni Vice Ganda sa video na ito.


Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

SAMANTALA, TINGNAN ANG STYLISH LOOKS NI VICE GANDA SA GALLERY NA ITO.