GMA Logo Vice Ganda and Rey
Source: It’s Showtime & GMA-7
What's on TV

Vice Ganda, napaupo sa ibinulgar ni Rey sa 'EXpecially For You'

By Aedrianne Acar
Published August 28, 2024 4:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda and Rey


Paano natapos ang relasyon ng EXpecial couple na sina Marife at Rey?

Matinding plot twist ang napakinggan sa "EXpecially For You" ngayong Miyerkules, August 28, sa It's Showtime nang humarap ang EXpecial couple na sina Marife at Rey.

Dito, ibinahagi nila kung paano natapos ang kanilang relasyon, kung saan nalaman ni Marife na may nangyari kay Rey at sa isang babae. Hindi dito nagtapos ang masakit na ending ng love story nila dahil nabuntis pa diumano ni Rey ito.

Kung akala ng It's Showtime viewers na 'yun na ang malaking rebelasyon, ibinahagi ng ex ni Marife ang katotohanan na siya naman ang nakatuklas sa kuwento niya sa mga host ng programa.

Lahad niya, “Dun ko hinanapan ng paraan kung talagang akin 'yun, ako ba 'yung [ama].

Tanong ni Vice Ganda, “Ano yung natuklasan mo?

“Yung pagbubuntis po dun sa girl, hindi po akin,” sabi ni Rey.

Napaupo na sa punto na ito si Meme Vice at sinabing, “Di ba! Nakakaloka twist and twist. Paano mo nalamang hindi iyo?”

Kuwento muli ni Rey, “Dahil po sa sobrang masakit sa loob ko na nagkahiwalay po kami [ni Marife], in-invite ko po si girl na magpa-ultrasound kami since 'yung baby is five months na pala sa tiyan na.”

“Kasi three months pa lang po kami nagkakilala. Dun po siya umamin sa akin na hindi daw pala talaga ako.”

Matapos marinig ni Vice ang side ni Rey, may iniwan itong paalala sa mga Madlang Kapuso.

Aniya, “Well kawawa silang lahat. Kawawa naman din si girl, hindi rin naman natin gugustuhin na may isang babae di ba, 'yung mapunta sa ganung sitwasyon na may dinadalang tao. Tapos tatakasan nung lalaking iresponsable.”

“Hindi naman tayo masaya para sa ganun. Pero again we should be all very responsible to every act that we do. Sa ating mga desisyon, tayo ang responsable kasi dun lalong lalo na kung anong sitwasyon nung ginawa mo at pinagdesyunan mo 'yung mga bagay na 'yun.”

Para naman sa searchee na si Marife, kahit nalaman niya na hindi kay Rey ang bata na ipinagbubuntis noong babae, pakiramdam niya na tama ang desisyon niya na tapusin ang kanilang relasyon.

Walang pag-aalinlangan na sinabi niya, “Isa lang po masasabi ko sa feelings ko. Hindi ko po pinagsisihan na hiniwalayan siya, kasi dun na tayo sa part na hindi nga sa kanya, pero may nangyari pa rin.”

RELATED CONTENT: ARTISTAHING 'EXPECIALLY FOR YOU' SEARCHEES