GMA Logo Vice Ganda, Jillian Ward
What's on TV

Vice Ganda, natuwa sa sinabi ni Jillian Ward

By Dianne Mariano
Published July 3, 2025 5:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Flights cancelled, roads flooded as rare storm soaks UAE
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda, Jillian Ward


Ano kaya ang sinabi ng 'Star of the New Gen' na si Jillian Ward sa Unkabogable Star na si Vice Ganda?

Nakisaya at muling bumisita ang Sparkle star na si Jillian Ward sa noontime variety show na It's Showtime.

Isa si Jillian sa mga naging judge sa segment na “Breaking Muse” noong Miyerkules (July 2) kasama sina Jessy Mendiola at RK Bagatsing. Ipinakita rin ng young actress ang kanyang smooth dance moves.

Matapos ito ay napansin ni Vice Ganda ang malakas at masayang energy ni Jillian at tinanong kung ano ang nakain nito.

Anang Sparkle star, “Wala Meme, nakita kasi kita. Ang ganda mo kasi.”

Sagot naman ng Unkabogable Star, “Napakaganda mo ngayong araw pero hindi ko mapapangako Jillian na ikaw ang magiging pinakamaganda today dahil may bitbit 'yung dalawang barangay ngayon. Mga kagandahan nila ang magmamarka today kaya sorry hindi ko mapa-promise na you will be the most beautiful today nak ha.”

Sagot naman ni JIllian na ang seasoned comedian pa rin ang pinakamaganda sa lahat.

“Excited na ako dyan, Meme. Pero alam n'yo, kahit sino pa ang dumating dito sa Showtime, ikaw pa rin ang pinakamaganda,” aniya.

Nang sabihin ito ng aktres ay napangiti ang It's Showtime host sa stage.

Biro pa ni Jhong Hilario, “Jillian, gusto ka namin i-congratulate, nasundan n'yo 'yung script [laughs].”

Dagdag ni Vice Ganda, “Anak, ang galing mo. Nakabisado mo 'yung banter natin kagabi na sinulat natin. Nag-brainstorm kami ni Jillian kagabi 'Nak, ito magpupurihan tayong dalawa.'”

Noong Enero, matatandaan na bumisita si Jillian kasama ang kapwa Kapuso star na si Michael Sager sa It's Showtime at sila'y sumalang sa segment na "And The Breadwinner Is."

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon sa GMA at Kapuso Stream.