GMA Logo It's Showtime Vice Ganda
Screenshot from It's Showtime
What's on TV

Vice Ganda, nilinaw na hindi siya sinuspende sa 'It's Showtime'

By Aimee Anoc
Published August 8, 2026 7:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCIP holds dialogue with Aeta community in Tarlac over Pax Silica
This local fast food chain drops 2 cutest collectibles this August
P14.6M suspected smuggled cigarettes seized in NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News

It's Showtime Vice Ganda


Vice Ganda sa ilang araw na pagkawala sa 'It's Showtime': "Bakasyon po 'yon, hindi suspension."

Nilinaw ni Unkabogable Star Vice Ganda ang ilang araw na pagkakawala sa It's Showtime at pinabulaanan ang aniya'y fake news na sinuspende siya.

Sa It's Showtime ngayong Sabado, August 8, sinabi ni Vice na nasa bakasyon siya noong ilang araw na wala sa programa. Huli siyang nakita sa It's Showtime noong July 28 at muling napanood noong Huwebes, August 6.

"Every day dapat excited tayo. Ako every day whatever happens, minsan matamis, minsan maalat, mapait, minsan stressful, minsan masaya, but every day for 16 years I still look forward to going to [It's] Showtime. Every day, kahit anong ganap, gusto ko pa ring pumasok," sabi ni Vice.

"Kaya nu'ng nasa bakasyon ako, gusto ko nang pumasok. Pero bakasyon po 'yon ah, hindi suspension. Etsusera 'tong mga fake news na 'to.

"'Yung nanay ko tuloy tumawag, 'Suspended ka ba?' Hindi. 'Bakit ka nasa Vietnam?' Nakabakasyon talaga ako ngayon. Pinangunahan," dagdag niya.

Matatandaan na noong July 28 ay naglabas ng press release ang Movie and Television Review and Classification Board, o MTRCB, kung saan ipinatawag ng ahensya ang producers ng It's Showtime matapos na makatanggap ng complaints kaugnay sa umano'y "inappropriate scenes," "racially insensitive,” at “colorist remarks” na ipinalabas sa July 24 episode ng programa.

Noong July 29, nagbigay ng update ang MTRCB at sinabing nakapagsagawa na sila ng hearing kasama ang producers ng show, at nag-isyu ng bagong direktiba sa It's Showtime.