
Looking for a possibility to love again ang 'EXpecially For You' searcher na si Mommy Rosana na napanood sa It's Showtime ngayong Biyernes, August 16.
May dalawang anak na si Rosana at ang youngest niya na si Ron ang nakasama nito sa paghahanap ng makaka-date.
Sa pakikipagkuwentuhan ng It's Showtime hosts sa mag-ina, dito nila nalaman na sa tahanan nila ay sina Mommy Rosana at Ron na lang ang nakatira.
Kuwento ng 23-year-old fresh grad kina Vice Ganda na nag-aalala siya sa kaniyang ina lalo na't hindi ito bumabata at matagal nang single mom.
Lahad ni Ron sa kanilang set-up, “Siyempre po nakakapanibago kasi recently lang po naging married na po 'yung brother ko. Tatlo po kami dati and then parang tahimik sa bahay ganun.
“Nagkukuwentuhan na lang po kami ni Mama sa bahay, minsan lumalabas po kami para kumain and yun po 'yung feeling na nakakapanibago pa rin po.”
Dagdag ng binata, “And 'yun nga po 'yung kinakatakot ko kasi siyempre 'yung mga magulang po natin hindi naman po sila pabata, tumatanda sila. 'Yung kapatid ko kinasal na. Tapos ako kaka-graduate ko lang po last month.”
Sumingit ang Unkabogable Star na si Vice Ganda na sinabing hindi natin namamalayan na kumokonti na ang pagkakataon na makasama natin ang ating magulang habang tayo ay tumatanda.
Sabi niya sa kanyang It's Showtime co-hosts, “'Tsaka 'yung sad reality, habang tumatanda ka bilang anak at tumatanda 'yung nanay mo bilang nanay, araw-araw, pakonti nang pakonti 'yung oras na pagsasamahan n'yo.
“`Di ba, kung puwede nga lang habang tumatagal, humaba 'yung oras? Hindi e. Sa life habang tumatagal umiiksi yung oras n'yo together.”
Sinegundahan ito ni Ogie Alcasid, “Kaya bawat pagkakataon na kayo ay magsasama importante gamitin natin 'yung pagkakataon na 'yun.”
RELATED CONTENT: INSPIRING CELEBRITY FAMILIES