
Nag-uumapaw ang saya at pasasalamat ng It's Showtime host at Unkabogable Star na si Vice Ganda para sa kauna-unahan niyang award mula sa Metro Manila Film Festival.
Tinanggap ni Vice ang Special Jury Citation sa "MMFF 50 Gabi ng Parangal" na ginanap noong Biyernes. December 27, sa Solaire Grand Ballroom, Parañaque City. Ito ay para sa natatangi niyang performance sa pelikulang And the Breadwinner Is...
Sa pagtanggap ng kanyang award, naging totoo si Vice at pabiro nitong tinanong kung para saan ang kanyang award, aniya, "Maraming salamat. Pagtayo ko tinatanong ko si Direk Jun at saka si [Eugene Domingo], ano ba 'tong award na 'to? Special Jury Citation for what? For best-dressed of the night? Special Jury Citation for Best Performance? Seriously, hindi ko talaga alam."
Dito na ipinaliwanag kay Vice kung ano nga ba ang parangal na kanyang natanggap.
"The Jury of the 50th MMFF Award Special Citation to a performer who has broken the ground and gone out of the familiar and comfort zone to prove his growth as an artist and tackled issues relevant to contemporary society. The MMFF Jury honors Vice Ganda for his achievement in this year's festival," pagbasa ni Dennis Trillo, na siyang nag-announce ng award ni Vice.
Dito na buong tuwang nagpasalamat si Vice, emosyonal na sabi niya, "Thank you very much. I have long been waiting for this. At last, finally, I am seen. Maraming, maraming salamat po sa pagkilala na 'yon. With this movie, with this project, I am finally seen.
"I have been participating in the Metro Manila Film Festival for years. This is the first time na mayroon akong award."
Pinasalamatan din ni Vice si Direk Jun Robles Lana, na siyang direktor ng pelikulang pinagbibidahan na And the Breadwinner Is...
"Maraming salamat kay Direk Jun Lana, binigyan mo ako ng ganitong istorya na inaantay na rin ng marami. Binigyan mo ako ng ganitong pagkakataon na gumanap sa isang karakter na hindi lang magpapatawa, isang karakter na hindi lamang mang-aaliw sa mga manonood, kung hindi tutusok sa mga puso at kaluluwa ng mga makakakita nito.
"At makapagbibigay ng maraming realizations at maraming aral sa mga makakatunghay ng pelikulang ito. Maraming, maraming salamat sa paggabay mo."
Ibinabahagi naman ni Vice ang natanggap na award sa mga nakasamang artista sa pelikula tulad nina Eugene Domingo, Gladys Reyes, at Maris Racal.
Iniaalay rin niya ang pagkilalang natanggap sa kanyang ina at asawa na si Ion Perez, maging sa bahagi ng LGBTQIA+ community.
"Maraming salamat sa Metro Manila Film Festival at kinikilala n'yo ako at ang kakayahan ko--isang baklang performer," pagtatapos ng speech ni Vice.
Congratulations, Vice Ganda!
SAMANTALA, NARITO ANG MGA NAGWAGI SA MMFF 2024 GABI NG PARANGAL: