GMA Logo Vice Ganda
Photo by: It's Showtime, @praybeytbenjamin IG
What's on TV

Vice Ganda on toxic friends: 'I will give back the same energy'

By Kristine Kang
Published April 17, 2024 8:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda


Alamin ang sinabi ni Vice Ganda tungkol sa toxic friendships at peer pressure.

Isa na namang episode na full of fun and life learnings ang nangyari sa noontime program na It's Showtime.

Sa patok nitong segment na “EXpecially For You,” naging usap-usapan ng mga netizens ang seryosong payo ni Vice Ganda tungkol sa pagtrato sa mga toxic friends at pagpapahalaga sa mga taong minamahal.

Nag-umpisa ang usapan nang nalaman ng mga host ang kuwento nina searchee Micko at ex na si Marila. Nang narinig ni Vice tungkol sa toxic friends ni searchee, hindi napigilan ng host magbitaw ng kaniyang mga opinyon.

Para sa Unkabogable Star, hindi siya papayag na maging mabait pa sa ganiyang mga kaibigan kung lalaitin lang nila ang kaniyang minamahal.

"Hindi ako magiging mabait sa iyo habang winawalang hiya mo asawa ko. Hindi. I will give back the same energy. Makakaasa ka. Hindi ako ganun kabait na."

Dagdag din niya tungkol sa boundaries, "I will protect this space ('di ba). Hindi ako lalabas para sa inyo. Hindi rin kayo makakapasok. Proprotektahan ko itong espasyong ito. "

Kwento ni Vice, alam niya ang sitwasyon ni Micko dahil naranasan niya rin ito noon.

Kaya ang payo niya para kay searchee, maging matatag at magkaroon ng kamalayan sa maling ginagawa niya sa kaniyang minamahal.

"Kailangan mong magiging matatag at ma-realize iyon kasi nangyari rin sa akin 'yan eh. 'Baka hindi magustuhan ng audience. Baka talikuran yung career ko' Ginulo din ako, ginulo din 'yung utak ko hanggang sa (sinabi ko nang) 'hindi.'"

Nagbigay rin ng opinyon si Kim Chiu tungkol sa pagrespeto sa mga taong mahalaga sa buhay ng mga kaibigan.

Sabi ni Kim, "Irerespeto mo dapat 'yung mahal ng taong mahal mo o taong mahalaga sa iyo para ma-realize mo na lang na 'Ah tama pala sila,' - parang ganun."

Mapapanood ang programang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Related gallery: Here's what went down on It's Showtime's debut on GMA