GMA Logo Vice Ganda
Sources: praybeytbenjamin/IG, vicegandaofficialph/FB
What's Hot

Vice Ganda, pinag-iingat ang netizens sa scammer na gumagamit ng pangalan niya

By Kristian Eric Javier
Published March 2, 2024 5:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taiwan says its military can respond rapidly to any sudden Chinese attack
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda


Nagbigay ng paala si Vice Ganda na 'wag basta maniniwala sa mga messages na natatanggap at baka ma-scam.

Nagbigay ng munting paalala ang It's Showtime host na si Vice Ganda sa mga netizens at sinabing mag-ingat ang nga ito sa mga scammers, lalo na ang mga gumagamit ng pangalan ng mga celebrities.

Pinag-iingat ng host at komedyante ang mga netizens dahil kamakailan lang ay may kumalat na text message na nagpapakilalang parte ng team niya at iniimbitahan ang receiver na makipag-collaborate.

Saad ng mensahe, “Hi, I hope you're doing great. My name is Peach from Team Vice Ganda and we are inviting you to do a collaboration on Ms. Vice Ganda YouTube channel this coming Saturday.”

Dagdag pa ng nag-send ng message ay ipapaalam na lang niya sa receiver kung saan ang venue at pinaalalahanan itong magsuot ng “unkabogable outfit” para sa collab.

Pinost ni Vice ang screenshot ng message sa kaniyang Facebook account at nagsabi sa caption na “'Wag magpapa-scam [red x emoji.”

“'Wag agad magpapaniwala sa mga ganitong messages! Walang “Peach” sa team namin. Kung may kakausap man sa inyo, 'yun ay ang official accounts ng Team Vice!” caption niya sa post.

Inilagay rin ni Vice ang links at pangalan ng kaniyang official Team Vice PH accounts para sa reference ng mga netizens.

BALIKAN ANG ILAN SA BIGGEST COLLABORATIONS NOONG 2023 SA GALLERY NA ITO:

Ilang netizens naman ang nagpasalamat sa kay Vice Ganda para sa babala nito. Ang ilan naman, nagalit sa ginawang “panloloko” ng nagpakilalang Peach at sinabing gagawin talaga ng ilang tao ang lahat para lang makapangloko.

Samantala, ilang netizens din ang nagibgay paalala na laging mag-ingat dahil sadyang marami manloloko sa panahon ngayon.

Kamakailan lang ay naging talamak ang scam ng pagbebenta ng Eras Tour concert ticket ng international star na si Taylor Swift kung saan halos 100 katao ang nawalan halos P15 million, at dalawa sa mga ito ay nawalan naman ng mahigit P300,000.

Tingnan ang post ni Vice dito: