GMA Logo Vice Ganda, Vhong Navarro in Its Showtime
PHOTO COURTESY: ABS-CBN Entertainment (YouTube)
What's on TV

Vice Ganda pokes fun at Vhong Navarro on 'It's Showtime'

By Dianne Mariano
Published July 6, 2023 6:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE UPDATES: Alex Eala vs Elena Rybakina at the Italian Open Round of 32
Farm to Table: (May 10, 2026) LIVE
Troy Montero and Aubrey Miles finish first Hyrox together

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda, Vhong Navarro in Its Showtime


'It's Showtime' host Vice Ganda sa maling pagbigkas ni Vhong Navarro ng salitang "emoji:" "Bakit nag-emoji 'yung beshy ko?"

Punong-puno ng saya at good vibes ang hatid ng hit noontime show na It's Showtime sa GTV ngayong Huwebes (July 6).

Isa sa mga nakatutuwang kaganapan sa episode kanina ay ang reaksyon ng host at komedyanteng si Vice Ganda sa "Isip Bata" segment matapos ang maling pagbigkas ng kapwa host nito na si Vhong Navarro sa salitang “emoji” na nabigkas ng huli na "i-moji."

Agad naman na itinama ni Vhong ang pronunciation ng nasabing salita ngunit napansin ito agad ni Vice at sinabi, "Ano'ng emoji, Vhong?"

Matapos ito, napaupo at napagulong si Vice sa sahig ng stage habang sinasabi, “Bakit nag-emoji 'yung beshy ko?”

Dagdag pa niya, “Saan nakuha ng beshy ko 'yung emoji?”

Matatandaan na muling nag-viral ang eksena at linyang "Bakit malungkot ang beshy ko?" na may kasamang cartwheel, na napanood sa isang episode ng award-winning drama anthology na Magpakailanman noong 2019.

Ang buong tanong ni Vhong para sa "Isip Bata" contestant na si Mariecar ay "Ano'ng emoji ang nakakatuwang matanggap?"

Kitang-kita rin na natatawa ang actress at host ng It's Showtime na si Anne Curtis. Biniro pa ng hosts ang sound designer ng programa na si DJ M.O.D dahil malapit ang tunog nito sa “emoji.”

“Si DJ emoji ang beshy ko,” hirit pa ni Vice.

Sa huli, nanalo si Mariecar ng P186,000 matapos makuha nang tama ang lahat ng sagot.

Panoorin ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 12 noon, at Sabado sa oras na 11:30 a.m., sa GTV.

Subaybayan din ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

SAMANTALA, BALIKAN ANG HIGHLIGHTS SA NAGANAP NA CONTRACT SIGNING NG IT'S SHOWTIME AT GTV SA GALLERY NA ITO.