GMA Logo vice ganda
Source: praybeytbenjamin/IG
Celebrity Life

Vice Ganda, pressured na matawag na LGBTQIA+ icon

By Kristian Eric Javier
Published July 4, 2023 5:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

New economic zones to lure P3-B in investments — Recto
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

vice ganda


Vice Ganda: "I'm happy to be part of that community and I am very happy to be considered one of their icons.”

Isa sa mga pinakakilalang miyembro ng LGBTQIA+ community ang actor-TV host na si Vice Ganda. Dahil dito, hindi maiwasan ng mga taong tawagin siyang isang icon ng community.

Pero inamin ng aktress na pressured siyang matawag na icon.

"May pressure din kasi, siyempre, may kasama siyang social responsibility pag kinonsider ka nilang icon siyempre,” sabi ni Vice sa interview niya sa Updated with Nelson Canlas podcast.

Dagdag pa niya, “Ikaw 'yong kahit papaano tagapagsalita nila, 'di ba? Ikaw 'yong representasyon nila sa mga platforms na meron ako.”

Sinabi rin ni Vice na nakadagdag din ang pagre-represent niya sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya.

Paglilinaw naman ni Vice, “Pero I'm happy to be part of that community and I am very happy to be considered their---to be considered one of their icons.”

Bukod sa pagiging icon ng LGBTQIA+, isa rin si Vice sa mga miyembro nito na nakapag-asawa. Noong 2021 nang magpakasal si Vice at ang longtime partner niyang si Ion Perez sa Las Vegas.

Nang kumustahim ang buhay may asawa, ang sagot ni Vice, “Masaya naman. Masayang-masaya ako ngayon. Ibang klase 'yung joy na meron ako ngayon. Kung dati happy ako, ngayon joyful. Mas hindi siya superficial, mas malalim siya,” sabi ni Vice.

Dagdag pa nito, “'Yung sayang binibitbit mo tapos hinahanap-hanap mo, ganu'n siya kalalim. At saka iyon 'yong ipinagdasal ko, 'yong nararamdaman ko ngayon atsaka ito 'yong estado ng buhay ko na gustong-gusto ko.”

Pakinggan ang buong interview ni Vice Ganda dito:

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG CELEBRITIES NA NAGCELEBRATE NG PRIDE MONTH DITO: