GMA Logo Vice Ganda on Bubble Gang
What's on TV

Vice Ganda proves that 'law of attraction' is true, collabs with Michael V.

By Aedrianne Acar
Published October 13, 2025 12:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr orders probe into alleged payola in LTO
'Wilma' weakens into LPA near Cataingan, Masbate
XG's Cocona undergoes top surgery, comes out as AFAB transmasculine non-binary

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda on Bubble Gang


Vice Ganda on doing 'Bubble Gang:' “Magkukumpleto ng pagiging komedyante mo pagka nakapag-Bubble Gang ka.”

Havey na havey ang manifestation ni Unkabogable Star Vice Ganda dahil nangyari na ang big collaboration niya with Michael V. at sa Kapuso gag show na Bubble Gang.

Isa ang FAMAS Best Actor sa star-studded guest ng Bubble Gang sa kanilang two-part anniversary special.

Sa panayam sa Kapuso Showbiz News, inalala ni Meme Vice nang i-manifest niya noon ang moment na ito.

“Super happy ako, talagang mina-manifest ko noon pa, dream ko makapag-Bubble Gang. So at last nandidito na ako. Siyempre, kasama ko si Bitoy,” lahad ni Vice.

Sinegundahan naman ito ni Bitoy at sinabing, “Narinig ko 'yun kahit sa live n'yo noon sa It's Showtime, may Eat Bulaga pa noon. Naririnig ko na sinasabi mo 'yun, kaya ako parang nakakataba rin ng puso na nandito ka.”

Ibinahagi rin ni Vice ang opinyon niya tungkol sa naging malaking impact ng Bubble Gang pagdating sa comedy at pop culture ng bansa.

Paliwanag ng It's Showtime host sa Kapuso Showbiz News, “Malaki ang impact ng Bubble Gang sa comedy, kasi iba't ibang uri ng comedy 'yung pinapakita dito. Maraming natuto na mga komedyante sa mga pamamaraan ng pagpapatawa. So lahat 'yun makikita mo sa Bubble Gang. Tsaka 'yung sinasabi ko nga 'pag komedyante ka, magkukumpleto ng pagiging komedyante mo pagka nakapag-Bubble Gang ka.”

Panoorin ang two-part special ng BG30: Batang Bubble Ako Concert ngayong October 19 and October 26, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

RELATED CONTENT: