
Handang pumalit ang Unkabogable Star at It's Showtime host na si Vice Ganda sakaling may mag-absent na miyembro ng sikat na P-pop girl group na BINI.
Sa Instagram post ni Vice nitong July 2, sinabi niya kung bakit siya ang nararapat na pumalit kung sakaling may um-absent na miyebro ng grupo.
“O alam nyo na BINI ha pag may absent sa inyo pwede tong bata ko! Sariwa, makinis, makipot, gustuhin ngunit mapili,” sulat ni Vice sa caption.
Aprubado naman ito ni BINI MIkha.
KILALANIN ANG NATION'S GIRL GROUP NA BINI SA GALLERY NA ITO:
Samantala, tila full support naman ang mga katrabaho at fans ni Vice. Nag-comment pa sina Ryan Bang at Amy Perez ng heart emoticons sa comment section.
Komento naman ng aktres at comedienne na si Kakai Bautista, “Mershmallow sa lambot me. @praybeytbenjamin.”
Matatandaan na katatapos ng ng three-day concert ng BINI nitong June 28 to 30 na ginanap sa New Frontier Theater. Ngunit naghahanda na rin ang Nation's Girl Group para sa isang Grand BINIverse concert.
Gaganapin ito sa Araneta Coliseum sa October 4, 2024.
“BINI goes to the big dome! It's official! Cubao becomes our best girls' home turf as we celebrate the Grand BINIverse on October 24 at the Araneta Coliseum. Kita-kits!” anunsyo nila sa Facebook.
Ilan sa mga hit na kanta ng grupo ngayon ay "Pantropiko," "Salamin, Salamin," "Huwag Muna Tayong Umuwi," "Lagi," "Karera," at "Na Na Na."
Bukod pa rito, may bagong single rin silang ilalabas, ang “Cherry on Top,” kasabay ng music video nito sa July 11 ng 8:00 p.m.