GMA Logo Vice Ganda
PHOTO COURTESY: @praybeytbenjamin (Instagram)
What's on TV

Vice Ganda reveals craziest thing she did for love

By Dianne Mariano
Published August 25, 2026 4:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI identified 20 steel plants making substandard, radioactive steel
Carlos Yulo looks beyond his double Olympic Gold medals
Jong Madaliday, may toyo ang Chicken Pastil?! | Farm to Table

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda


Ibinahagi ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang pinakabaliw na nagawa niya dahil sa pag-ibig.

Nagkaroon ng usapan tungkol sa pag-ibig sa “Miss Q&A: Reyna Talak-era 2026” segment ng It's Showtime ngayong Martes (August 25).

Sa naturang segment, nagkuwento ang isang contestant tungkol sa craziest thing na nagawa nito dahil sa pag-ibig. Ibinahagi rin ng ilang hosts ang kanilang kuwento tungkol sa nasabing usapin, kabilang na ang Unkabogable Star na si Vice Ganda.

“Siguro pinakabaliw is 'yung sinuway namin 'yung nagsasabi saming wala dapat makaalam. Sinuway ko 'yung nagpipigil na 'Huwag, hindi puwedeng malaman. Dapat secret lang 'yan, makakasira 'yan sa career mo,' 'yung gano'n.

“Dumating ako sa point na wala na akong pake kung makaapekto man 'to sa career o hindi. This time, I will jump and we will jump together,” pagbabahagi niya.

Kuwento pa ng seasoned comedian, mas pinili niya ang kanilang kasiyahan kahit ano pa ang maging tingin ng iba.

Dagdag pa niya, “Kapag kuwentuhang career na, 'wag di magugustuhan ng Madlang People 'yan. Kasi 'di ba sa Pilipinas, parang 'yung mga ganitong kuwentuhan, okay lang marinig ng Madlang People, o ng mga tao sa Pilipinas, kung biruan.

"Pero kapag totoo na, hindi naman lahat niyayakap 'yung katotohanan na may dalawang tao na may parehong kasarian ang puwedeng umibig sa isa't isa. Kapag biruan lang, okay lang.

“Kapag 'yung mga bakla, naghaharutan, nagsasabunutan, nag-o-okrayan, okay lang sa kanila. Pero kapag 'yung bakla totoo nang umiibig at totoo nang iniibig, hindi natatanggap ng lahat. Kailangan pa ako magiging masaya kung iko-consider ko lahat ng kaligayahan n'yo? This time, I don't care if you're gonna be happy or not about me. I will be happy for me, and for him, and for ourselves.”

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, abangan din si Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice sa September sa GMA.

Related gallery: Fashionably in love: Vice Ganda and ion Perez's best style moments