
Isang emosyonal at heartfelt performance ang handog ng team nina Vice Ganda, Jackie Gonzaga, at Cianne Dominguez sa “Magpasikat 2023” ng It's Showtime.
Isa sa naging surprise guests ng naturang team ay ang dating hosts ng noontime program na sina Billy Crawford at Coleen Garcia. Kasama rin ng celebrity couple ang kanilang anak na si Amari.
Related content: The beautiful family of Billy Crawford and Coleen Garcia
Matapos ang “Magpasikat” performance ng grupo, ibinahagi ng Unkabogable Star na maayos na kanilang relasyon ni Billy bilang magkaibigan.
“Thank you, Billy and Coleen kasi biglaan 'to. Kagabi ko lang sila tinawagan. Nagte-text kami ni Billy these past few days pero hindi namin 'to napag-uusapan.
“Lingid ho sa kaalaman n'yo, okay na okay na kami ni Billy. Nagte-text kami, hindi namin ito napag-uusapan. Pero noong kahapon, 'yung concept nila Anne [Curtis] na healing, bigla kong naisip, sabi ko, I think, maganda kung hindi lang natin sinasabi 'yung salitang healing, 'yung ipinararamdam din natin para maramdaman ng ibang tao na hindi lang siya sinasabi, kailangan ginagawa siya at sinisimulan.”
Dagdag pa niya, “Billy's presence here today and the Madlang People knowing na we are okay, baka mag-inspire ito sa inyo na mag-heal din. Baka it's about time na kaya niyo na rin na makipag-reconcile, lalong-lalo na sa mga taong mahalaga sa inyo.”
Ayon pa sa seasoned comedian, isa si Billy sa mga napakahalagang tao sa buhay niya. Patuloy niya, “At the end of the day, you are my best friend and I love you very much. Regalo natin ito sa Madlang People na makita nila tayong magkakasama ulit.”
Kuwento pa ng komedyante, “Si Billy, may taping po siya today ng The Voice [Generations]. Sa sobrang kagustuhan niyang pumunta rito, siya talaga ang gumawa ng paraan para naririto siya. “Kasi sabi niya, utang niya ito sa madlang people, gusto niya talaga kayong makita, and we super appreciate it.”
Kuwento naman Billy, kakabalik lamang niya mula sa US at binisita ang kanyang ama. Ayon pa sa kaniya, hiniling ng kanyang ama na magkaayos na sila ni Vice.
“Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan ang tatay ko sa mundong ito. Alam mo ba, ang bilin niya sa akin is magka-ayos tayo? Sa lahat ng hindi nakakakilala sa tatay ko, siya po ay Amerikano, hindi po marunong mag-Tagalog pero alam niyang may hindi magandang pangyayari ng iilang taon,” pagbabahagi niya.
Patuloy niya, "Noong sinabi ng daddy ko na request niya was part of that, it's beyond my control. It's beyond Vice's control din. I think lahat ng ito was orchestrated by God kasi kagabi cancelled na 'to, e. Hindi na ito mangyayari dahil 'yung schedule talaga hindi nagkakatugma. Pero for some reason, may nagkaroon ng emergency sa kabila, bigla akong napayagan na gawin ito."
Sa kabila ng mga nangyari noon, itinuturing pa rin ni Billy na pamilya ang lahat ng bumubuo ng It's Showtime.
“Nahanap ko ang aking asawa at nabuo ang aking pamilya dahil sa programang ito. Para sa akin, it really doesn't matter kung saan ka. Ang importante kasi, ito lahat dito ay iisa lang naman. Puro puso, mahal namin ang isa't isa. Lahat ng pamilya nagkaka-away, nagkakalabuan. Pero at the end of the day, in God's time, siya na rin ang bahalang mag-aayos,” saad niya.
Humingi rin ng tawad si Billy kay Vice, sa madlang people, at sa mga Kapamilya.
Aniya, “On my end, I want to say I'm sorry, I'm sorry madlang people, I'm sorry Kapamilya. Nagpapakumbaba lang ako na gagawin ko kasi ang lahat para sa aking pamilya, and kasama na rin po kayo doon, madlang people. Thank you everyone for the support and love amidst sa lahat ng nangyari. But, I just want to say Vice, I love you.”
Noong Setyembre, matatandaan na inamin nina Billy at Coleen sa Fast Talk with Boy Abunda na nagbago ang relasyon nila sa mga host ng It's Showtime mula noong pandemya.
Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m., at tuwing Sabado sa oras na 12 noon sa GTV.