GMA Logo Vice Ganda and MC
Photo by: praybeytbenjamin IG, It's Showtime
What's on TV

Vice Ganda sa kalusugan ni MC: 'Best friend, 2026 na. Ingat-ingat na'

By Kristine Kang
Published January 7, 2026 4:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Prince Clemente and Althea Alban share love story
Sinulog 2026 festivity kicks off
Alexandra Eala wins vs Magda Linette to secure spot in ASB Classic semifinals

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda and MC


Ano nga ba ang nangyari kay MC? Alamin dito.

Puno ng saya at kulitan ngayong Miyerkules (January 7) sa fun noontime program na It's Showtime!

Isa sa ikinatuwa ng madlang people ang masayang banter nina Vice Ganda at MC sa segment na “Laro, Laro, Pick.”

Ang kanilang kulitan ay nag-umpisa sa bati ng Unkabogable Star nang nakabalik na ang kaniyang co-host sa studio.

"Na BP na ba 'yung sister ko?" biro ni Vice, na agad sinakyan ng iba pang hosts.

"Alam mo ba't pumasok? Na-call out mother mo," hirit ni Vhong Navarro.

"Na-call out mother siya kahapon. Kaya super inom siya ng maintenance kahapon," dagdag pa ni Vice, na ikinatawa ng madlang people.

Nauwi ang kulitan sa usapan tungkol sa mukbang ni MC na umano'y naging dahilan ng pagtaas ng kanyang blood pressure.

"Linggo 'yun e, dire-diretso 'yung mukbang. Ayun nadale," paliwanag ni MC.

"Tama na muna 'yung mukbang! Tsaa-tsaa muna tayo best friend a," biro ni Vice.

Ibinahagi rin ni Vhong na tinanggihan pa raw ni MC ang alok nilang kumain muna.

Ngunit hirit ni Vice, "Kakain lang 'pag 'di natin nakikita...Ang mga minu-mukbang nila 'yung mga nakakapag baba ng kamay. 'Yung 'pag [tinaas] ko ('yung kamay), 'O! Bumababa kamay mo. Magpa BP ka.'"

Hindi rin napigilan ng Unkabogalbe Star na magpaalala tungkol sa kalusugan ng kaibigan.

"Best friend, 2026 na. Ingat-ingat na best friend," ani Vice.

"Tapos hinahaluan niya ng puyat. Nako! Ingat ingat," dagdag ni Vhong.

Nakihirit din si Jhong Hilario, " 'Wag 'yung pampainit ng batok 'yung kinakain mo."

Hindi pa roon nagtapos ang kulitan dahil pati lovelife ni MC ay nadamay!

"Alam mo kaya umiinit ang batok niya? 'Bakit 'di nagre-reply?' Mga ganyan," biro ni Vice.

"Nagre-reply naman," sagot ni MC.

"Bakit umiinit ang ulo? Ba't tumataas ang BP?" sundot pa ni Vice.

"Nagre-reply naman siya. 'Yun nga lang maghihintay ka lang," banter ni MC bago kinilig ang madla people.

"Dalagang dalaga pero mataas ang BP," pabirong pagtatapos ni Vice, sabay tawanan ng buong studio.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, balikan ang ilan sa mga kilalang celebrity group friends sa showbiz, dito: