GMA Logo vice ganda
Source: It's Showtime
What's on TV

Vice Ganda, sa kanyang viral airport video: 'Echuserang hindi n'ya daw alam ang pangalan ko'

By Jansen Ramos
Published January 5, 2026 6:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Inter-agency press conference on Traslacion 2026 (Jan. 7, 2026) | GMA Integrated News
Man nabbed for blackmailing ex-girlfriend in Davao City
Japanese sushi chain pays $3.2 million for tuna at auction

Article Inside Page


Showbiz News

vice ganda


Naalala ni Vice Ganda sa 'It's Showtime' contestant ang babaeng nag-video sa kanya sa airport, na viral ngayon sa social media. Alamin ang kanyang panig dito:

Kumakalat ngayon sa social media ang video ni Vice Ganda na naglalakad sa airport, na kuha ng isang netizen.

Viral ito dahil ginawang content si Vice kahit pa sabi sa video ay "hindi kilala" ng babaeng uploader ang komedyante.

Habang patuloy sa paglalakad si Vice ay patuloy din ang pagvi-video sa TV host nang harap-harapan.

"Ito yung sikat na artista sa Pilipinas," sabi ng babae.

Sundot pa nitong tanong kay Vice, "Uwi ka na ng Pinas? Happy New Year!", bagay na sinagot naman ng komedyante na halatang na-badtrip sa babae. "Happy New Year. Hindi n'yo nga ako kilala, Ate, eh," ika ni Vice.

Sa ngayon ay burado na ang original video pero marami na ang nakapag-repost nito. Ito ay matapos kondenahin ng netizens dahil sa pagkuha ng video kay Vice nang walang pahintulot. Marami rin ang tumuligsa rito dahil sa kawalan ng respeto sa privacy ng celebrity.

Sa episode ng It's Showtime ngayong Lunes, January 5, in-address ni Vice ang nasabing isyu matapos maalala ang babaeng kumuha ng video sa kanya sa isang contestant ng noontime show na nagngangalang Vhec.

Hirit ni Vice sa contestant, "Kamukha mo yung nagvi-video sa 'kin sa airport."

Pagpapahayag ng inis ni Vice, "Hindi n'ya raw alam ang pangalan ko, kitang-kita ko s'ya nung nakita n'ya ako., 'Ay, si Vice Ganda,' 'tapos vinideo ako."

Nire-enact pa ni Vice kung paano siya kinunan ng video ng babae nang harap-harapan. Nanggigigil niyang sabi, "Ang layo nang nilakad n'ya ha. Talagang binwisit n'ya talaga 'ko."

Sa kabila ng kanyang pagkayamot, pinili ni Vice na huwag nang idetalye kung paano siya inantala ng babae.

Sabi pa ni Vice, "Ayoko nang ikwento yung buo dahil maba-bash ka lalo, 'day, pero malala. Kinontent ako, eh, male-late na 'ko sa [flight ko]."

Samantala, bukod sa It's Showtime, napapanood din si Vice sa comedy drama film na Call Me Mother. Ito ay official entry sa Metro Manila Film Festival 2025, na pinagbibidahan nila ni Nadine Lustre.

RELATED CONTENT: The times Vice Ganda wowed us with her versatile fashion