
Nakaka-inspire ang ginawang pagmumuni-muni ng It's Showtime host na si Vice Ganda sa kaniyang latest vlog na "My Unkabogable Breadwinner Story."
Sa unang bahagi ng video, ipinasilip ng award-winning comedian at host ang ilang ganap sa kanilang noontime show tulad ng kanilang rehearsals bago umere.
Matapos ang taping, nagbahagi ng realization si Meme Vice kung saan siya humuhugot ng lakas kahit sobrang dami niyang trabaho.
Paliwanag niya sa kaniyang YouTube channel, “I'm so blessed because my family has always been a very supportive, grateful family.
“Mula sa nanay ko, hanggang sa lahat mga kapatid ko. Hanggang sa mga pamangkin ko.”
Source: Vice Ganda (YT)
“Kaya hindi ako alintana, hindi ko nararamdaman 'yung pagod.” Paliwanag ng Unkabogable Star, “Di ba 'pag breadwinner ka talagang lahat ginagawa mo kaya may tendency, may mga times mararamdaman mo 'yung pagod.
“Nakakaramdam din naman ako pagod, kasi tao naman ako, hindi naman ako totoong kabayo. Mukha lang akong horse, pero tao naman din ako. Napapagod din naman ako, tsaka hindi naman ako AI [artificial intelligence].”
Binigyan-diin pa ni Vice na mas malaki ang pangarap niya kumpara sa pagod na nararamdaman niya kayo tuloy siya sa pagkayod.
Aniya, “So napapagod din ako, pero ang laking bagay nung pagmamahal at suporta na nakukuha ko sa pamilya ko para mas maramdaman ko yun, kaysa dun sa pagod. Kasi, mas malala 'yung pangarap ko, kaysa dun sa pagod.”
“Yung dahilan kung bakit ako napapagod mas malaki siya, kaysa dun sa pagod. Kaya napapagod man ako, pero hindi ko siya masyado inaalintana, kasi nga ano ako eyes on the prize.”
RELATED CONTENT: Fashionably in love: Vice Ganda and Ion Perez's best style moments