
Sweet na sweet sa kanilang trip sa Japan ang celebrity couple na sina Vice Ganda at Ion Perez.
Sa Instagram, ipinakita ni Vice ang ilan sa kilig at cozy moments nila ni Ion habang ini-explore ang Japan.
Sulat niya, "Kami muna."
Lumipad si Vice papuntang Japan noong Miyerkules (February 25) para dumalo sa upcoming Philippines-Japan Film Festival 2026 kung saan kabilang sa mga ipapalabas ang dalawa niyang pelikula na And the Breadwinner is... at Call Me Mother.
Sa isang airport interview, bukod sa pagpunta sa festival ay sinabi ni Vice ang planong pagbisita nila ni Ion sa Ichikawa City Zoo para makita si Punch, ang Japanese macaque na nagpalambot sa puso ng netizens at nag-viral habang may yakap na soft toy orangutan.
"Two days ahead akong nagpunta before the festival. Ang plano talaga namin ni Ion bukod sa kumain ay puntahan si Punch. Naiyak kasi ako nu'ng napanood ko 'yung mga videos ni Punch. Sabi ko, 'E malapit lang doon sa pag-stay-an namin parang 30 or 45 minutes away lang, so pupuntahan namin si Punch,'" ani Vice.
Related content: