GMA Logo Vice Ganda political plans
PHOTO COURTESY: @praybeytbenjamin (Instagram)
Celebrity Life

Vice Ganda shows no interest in entering politics

Published January 24, 2026 4:53 PM PHT
Updated January 24, 2026 5:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cop who blocked fire truck in viral clip relieved from post — Marikina police
Rules to know before climbing Mount Pulag
Biyahe ni Drew: Alamin ang mga patakaran sa pag-akyat sa Mt. Pulag

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda political plans


"Let's not entertain the thought. No," ani ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa recent episode ng 'It's Showtime.'

Muling iginiit ng actor-host na si Vice Ganda na wala siyang balak pasukin ang pulitika.

Sa "Laro Laro Pick" segment ng It's Showtime nitong Biyernes, napag-usapan ng host na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, at Jhong Hilario ang naging jackpot question noong Huwebes na may kinalaman sa batas.

Matapos ito ipaliwanag ng Unkabogable Star, sinabi ni Anne, "Alam mo dapat tumakbo ka kaya, iboboto kita."

"Alam mo, tama na kasi bata pa lang ako takbo na ako nang takbo sa Sta. Ana, hanggang sa pagtanda ko ba naman?

"Itigil n'yo na nga 'yung mga takbo-takbo na 'yan, bina-bash tuloy ako nang wala akong ginagawa," ani Vice Ganda.

Dagdag pa niya, "I am a beauty queen, I am not a politician. I'm just a beautiful face in the industry."

Biro pa ni Jhong, ngayon lamang daw magkakaroon na presidente na "Vice."

"Let's not entertain the thought. No," ani ng komedyante.

Pabiro namang nag-chant ang co-hosts ni Vice Ganda ng "Pres. Ganda." Dahil dito, hiling ng komedyante sa publiko na huwag seryosohin ang kanilang mga biro para maiwasan ang bashing.

"Tama na 'yang mga biro-biro na 'yan. Nagbibiruan lang po kami rito magkakapatid. Huwag kayong nagpapaniwala. Iba-bash na naman ako nung mga alaga ng mga tatakbo talaga. Akala nila totoong tatakbo ako. Naku po, huwag n'yo po akong sinasama-sama," ani Vice Ganda.

Noong December 2025, matatandaan na nakapanayam ng broadcaster na si Karen Davila ang Call Me Mother star sa kanyang YouTube channel, kung saan isa sa mga tanong ng una ay kung may balak ba ang huli na pumasok sa pulitika.

Mariin namang itong tinanggihan ng It's Showtime mainstay. Aniya, "Hindi siya bukal sa kalooban ko. Hindi siya ang gusto ng puso ko. Hindi siya ang gusto kong gawin. Gusto kong magpatawa. Kung pipiliin ko 'yung public service, kailangan kong i-devote 'yung buong buhay ko sa public service. Buong puso, buong buhay mong ibibigay doon sa public service, e."

Patuloy na subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.