GMA Logo Vice Ganda, memerimar
Photo by:vicegandaofficialph (FB)
What's on TV

Vice Ganda, sobrang Latina bilang si MEMErimar

By Kristine Kang
Published July 2, 2026 12:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Milestone reached: Marcos hails PH upper-middle-income status for economy
‘Shooting threat’ disrupts classes at Cebu school
Anne Curtis is the July cover star of local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda, memerimar


Pinag-usapan online ang MEMErimar skit nina Vice Ganda, Vhong Navarro, at Jhong Hilario!

Isa na namang nakakatawang kulitan at aktingan ang sumalubong sa madlang people sa fun noontime program na It's Showtime!

Nitong Miyerkules (July 1), panibagong iconic skit ang handog ng It's Showtime family sa game segment na "Laro, Laro, Pick."

Sa pagkakataong ito, dumating sa studio ang sobrang Latina na si MEMErimar, na ginampanan ni Vice Ganda.

Suot ang kanyang Marimar outfit, bigay-todo ang Unkabogable Star sa pagcha-cha habang papunta sa stage.

Lalong lumakas ang hiyawan ng audience nang sumama rin si Vhong Navarro bilang ang charming male lead na si Sergio.

Doble naman ang tawanan nang umakyat din sa stage sina Jhong Hilario at Jugs Jugueta bilang sina Angélica Santibañez at Inocencia.

Sa social media, masayang ipinasilip ni Vice ang behind-the-scenes ng naturang skit. Mula sa kanyang soafer Latina transformation hanggang sa kanyang iconic entrance, game na game siyang nakipagbiruan sa mga post.

"Kayod na naman ang accla today as memerimar!" aniya.

Naaliw rin ang Unkabogable Star sa mga fancam na kinunan ng kanyang staff.

"Kapag kadugyutan ko kumpleto sa coverage ang mga staff! May pa fancam pa nga," biro niya.

Kaagad na pinag-usapan at pinusuan ng madlang onliners si MEMErimar, na labis na naaliw sa naging kulitan ng mga host.

"Damn that intro was so long hahahahahhahahahah but no worries you're SO GORGEOUS MEMERIMAR ACKKK," komento ng isang netizen.

"Kilig! MEMErimar and Sergio still have chemistry… but seriously, Vice is so beautiful and Vhong is so hot here...," dagdag ng isang fan.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Balikan ang nakakatawang MEMErimar moment, dito: