GMA Logo Vice Ganda
Photo by: praybeytbenjamin (IG)
What's Hot

Vice Ganda, susunod na guest sa Bahay Ni Kuya

By Aimee Anoc
Published December 20, 2025 3:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Park Ji Hoon is coming to Manila in 2026
Hoopster from Pavia, Iloilo is NCAA 101's Most Valuable Player
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda


Abangan ang pagbisita ni Vice Ganda sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0' ngayong Sabado!

Ang "Unkabogable Star" at It's Showtime host na si Vice Ganda ang susunod na houseguest sa Bahay Ni Kuya.

Noong Biyernes (December 19), ipinasilip ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ang pagbati ni Vice ng "Merry Christmas" kay Kuya.

Ito ang ikalawang pagbisita ni Vice sa PBB ngayong taon. Unang napadaan sa Bahay Ni Kuya si Vice noong July at nakipagkuwentuhan sa batch ng Big Winners na sina Mika Salamanca at Brent Manalo.

Kasalukuyang abala ngayon si Vice sa pagpo-promote ng MMFF 2025 movie niya na Call Me Mother.

Noong Biyernes, kahit na inulan ay masayang kinawayan ni Vice ang fans na nag-abang sa kanilang float sa naganap na Metro Manila Film Festival 2025 Parade of Stars.

Kasama ni Vice sa nasabing pelikula ang ex-PBB housemates na sina Mika Salamanca, Shuvee Etrata, Klarisse de Guzman, Brent Manalo, Esnyr, at ang award-winning actress na si Nadine Lustre.

Abangan ang pagbisita ni Vice sa Bahay Ni Kuya ngayong Sabado, 6:15 p.m. sa GMA.