
Napuno ng tawanan at hiyawan ang 'Laro Laro Pick' segment ng It's Showtime nitong Sabado, October 4, nang hindi sinasadyang tawagin si Vice Ganda ng isang contestant na "'Tay."
Nakapanayam nina Meme, Vhong Navarro at Jhong Hilario si Teacher Joyce na 18 years na in service.
Napansin agad ni Vice ang lakas ng boses ng contestant. Sabi niya dito, “Yung asawa n'yo po ganiyan n'yo rin kausapin? Sagot ni Teacher Joyce, “Hindi po. Malambing po ako.”
Nang tinanong nila Vhong kung paano niya kausapin ang kaniyang mister. Bigla humarap si Teacher Joyce kay Meme at sinabing “Tay.”
Napa-hirit ang Unkabogable Star, “Huwag po ako, ito po!'" sabay turo kay Jhong Hilario. Biro pa niya, “Jusko naman sa dinami-dami naman, Mother... Nagbistida na ako, e. Tanggap ko na 'yung matawag akong 'Sir'. Pero, 'yung tatay pa naman, akin pa rin? Jusko naman!
“Tinaggap ko na 'yung Sir, wala na akong magagawa, kasi tinuturo 'yun sa school 'di ba? Pero 'yung tatay naman, imagine mo 'yung tatay mo ganito hitsura.”
Matatandaan na bago pa ang episode ng It's Showtime ngayong araw, sinabi na ni Vice Ganda na walang problema sa kaniya kung matawag man siyang 'Sir.'
Paliwanag ng award-winning comedian, “Actually, once and for all, let's normalize me being called sir,” he said, explaining that it shouldn't be made into a joke. “Kasi, okay lang naman sakin ang sir. Normal lang 'yun, it's okay to be a sir.”
Mapapanood din soon si Vice Ganda sa Pambansang comedy show na Bubble Gang, matapos nito magbigay ng teaser na meron siyang collaboration sa Kapuso gag show.
RELATED CONTENT: Celebrities who are proud members of the LGBTQIA+ community