
Ipinagdiriwang ng Korean host na si Ryan Bang ang kanyang 35th birthday ngayong Martes (June 16) sa noontime variety show na It's Showtime.
Naghatid ng pangmalakasang birthday performance si Ryan nang awitin ang ilang popular Pinoy songs tulad ng "Ale," "Ewan," "Panalangin," at "Sumayaw Sumunod." Matapos ito, nakatanggap din ng masayang pagbati ang birthday celebrant mula sa kanyang kapwa hosts.
Bukod dito, nagbigay din ng heartwarming na mensahe ang Unkabogable Star na si Vice Ganda para kay Ryan, na itinuturing nitong anak.
"I am the happiest Filipino dahil sa'yo. I am the happiest, I am the proudest Filipino na nagkaroon ako ng isang katuwang sa buhay, kapamilya na Koreano na minamahal hindi lang ako, kundi ang buong Madlang People. Ang saya-saya ko dahil nararamdaman ko kung gaano mo sila kamahal. Kaya mahal na mahal ka rin nila," ani ng batikang host at comedian.
Dagdag pa ni Vice Ganda, sa loob ng 17 years na paninirahan ni Ryan sa Pilipinas ay kasama na niya ang Madlang People sa mga pinagdaanan niya sa buhay.
Patuloy niya, "Sa lahat ng wins mo, sa lahat ng mga nangyayari sa'yo, sinasamahan ka ng Madlang People. The Madlang People are very lucky to have you, and at the same time, you are very lucky to have the Madlang People. Kailanman, hindi ka mag-iisa sa Pilipinas. Kahit sa loob ng Showtime, may pamilya ka, kapag lumabas ka kahit sa kalsada, kilala ka nila at mahal ka ng mga Pilipino."
Ibinahagi rin ni Ryan na ang kanyang wish ay umasenso ang lahat ng mga Pilipino sa buhay.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Related gallery: How Ryan Bang's businesses are connected to him and his loved ones