GMA Logo vico sotto on fake news
What's Hot

Vico Sotto, biktima ulit ng fake social media account

By Cherry Sun
Published July 30, 2020 12:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Epstein files release highlights Clinton, makes scant reference to Trump
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

vico sotto on fake news


“'Wag niyong hayaan na sila naman ang mahingan ng load.” Hinaluan din ni Mayor Vico Sotto ng nakatutuwang paalala ang kanyang post matapos madiskubre ang isang fake social media account.

Muling nagbigay ng paalala si Pasig City Mayor Vico Sotto laban sa fake social media accounts at online scams matapos makitang may gumagamit ng kanyang pangalan at litrato sa Facebook (FB).

Nitong Marso, nagbabala na si Vico tungkol sa isang fake account sa social media.

Bigay-diin niya, ang kanyang totoong account ay verified.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram story, ibinahagi ng alkalde na muli siyang nabiktima ng pekeng social media account.

Dahil dito, nagbigay siya ng karagdagang paalala sa publiko.

Ani Vico, “Mag-ingat sa fake account at scam. Kung di sigurado, ituring na peke. Report to FB. Kung may nakikita kayong kaibigan na nagfo-follow sa mga ganitong account, pakisabihan po sila.

“'Wag niyong hayaan na sila naman ang mahingan ng load!”

Maliban kay Vico, ilang celebrities na rin ang umalma at nagbigay-babala matapos mabiktima ng pekeng accounts sa social media. Kabilang sa kanila sina Marian Rivera, Andrea Torres at Paolo Ballesteros