GMA Logo Vico Sotto with tweet
What's Hot

Vico Sotto crowdsources for plastic covers on Twitter

By Cara Emmeline Garcia
Published May 7, 2020 3:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Thieves drill into German bank vault and make off with millions
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

Vico Sotto with tweet


“Wala kaming mahanap na plastic para sa room dividers,” sulat ni Vico Sotto sa Twitter kahapon, May 5.

Patuloy pa rin ang pagserbisyo ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang sinasakupan kahit malapit nang matapos ang enhanced community quarantine sa NCR.

Kaya naman sa proyekto niyang Centralized Quarantine Facility sa Pasig, idinaan ni Mayor Sotto sa isang tweet ang kanyang panawagan para makahanap ng plastic cover upang matapos na ito.

Aniya, “Phase 1 of our new Centralized Quarantine Facility is nearly ready. Ang problema lang, wala kaming mahanap na PLASTIC para sa room dividers.”

Pabirong sambit pa niya, “Opo maraming plastic sa gobyerno pero hindi 'yun 'yung plastic na hinahanap sa ngayon. Haha!

“30 rolls na polyethylene ang kailangan. #Twittersourcing.”

Maraming followers ni Vico ang sumagot sa comments section para matulungan ang alkalde na matapos ang kanyang proyekto.

Habang ang ilan naman ay natuwa sa puna na isiningit ni Vico sa nasabing tweet na inilarawan nilang “shade,” “tea,” at “savage.”

Ayon sa report ng GMA News Online, nagko-conduct ng mahigit 350 COVID-19 tests kada araw ang Pasig City.

Ilan pa sa mga nagpagawa ng quarantine facilities ay ang siyudad ng Marikina at Makati para tulungan ang mga ospital na mag-accommodate ng coronavirus patients.

Vico Sotto dancing to Red Velvet's 'Psycho' trends online!

Vico Sotto answers “What is love?;” gives advice to his 20-year-old self