
Humingi ng paumahin si Pasig City Mayor Vico Sotto sa isang netizen na nagtanong sa kanyang Facebook Live session noong Martes, May 5, kung kabilang ang mga nakatira sa condominium sa supplemental Social Amelioration Program {SAP) ng lungsod.
Ito yung muntikan ako masiraan ng ulo dahil kakasabi ko pa lang na "Lahat kwalipikado," may nagcomment na "ah so malalagpasan ulit kaming nasa condo"😂😂
-- Vico Sotto (@VicoSotto) May 5, 2020
Tapos tawa pa ng tawa yung mga staff 😒😆
But kidding aside, our goal w SUPPLEMENTAL SAP is to help ALL Pasigueños in need. pic.twitter.com/luj7CCngP3
Hindi kasi naiwasang pagtaasan ng boses ng alkalde ang nasabing netizen, na kinilalang si Joel Garcia, matapos niyang mabasa ang komento nito.
Dahil dito, naging tampulan ng batikos si Joel.
Vico Sotto, mamumuti daw ang buhok sa kausap?
"Sir! Salamat sa 'yo dahil good sport ka. Boring naman kung dire-diretso lang na announcement 'di ba? [face with tears of joy emoji]," pabirong tweet ni Mayor Vico kay Joel. "Pasensya na kung may mga nag-reply pa sa 'yo na di maganda."
Muli pa niyang nilinaw, "Basta kasama condo sa Supplemental SAP ah."
Sir! Salamat sa yo dahil good sport ka! Boring naman kung dirediretso lang na announcement diba 😂
-- Vico Sotto (@VicoSotto) May 5, 2020
Pasensya na kung may mga nag-reply pa sa yo na di maganda.
Basta kasama condo sa Supplemental SAP ah!
Noong oras na iyon, kasasabi lang ni Mayor Vico na lahat ng pamilya na residente ng Pasig na hindi nakatanggap ng cash assistance mula sa DSWD ay kwalipikado sa supplemental SAP ng city government ngayong panahon ng enhanced community quarantine.
Gayunpaman, ani Joel, hindi niya nadinig ang salaysay ni Mayor Vico kaya humingi rin siya ng dispensa rito.
"Honestly, it is not in my agenda na manggulo sa live comment," paliwanag niya.
"Na-late lang po ako sa live & I sincerely apologize for the tone of my question."
Diin pa niya, "Kasi kung narinig ko po, eh 'di ko na pa itatanong sa'yo."
Honestly, it is not in my agenda na manggulo sa live comment. Na-late lang po ako sa Live & I sincerely apologize for the tone of my question. Kasi kung narinig ko po eh di ko na pa itatanong sa'yo.
-- JOEL GARCIA (@MisterYoSoh1) May 5, 2020
Saludo kaming lahat sa'yo Mayor.#GoodGovernance#Pasig#PositiveVibes
Tinatayang 160,000 pamilya ang target ng Pasig City government na mabigyan ng financial aid na nagkakahalagang Php 8,000 bawat pamilya sa ilalim ng localized version ng SAP.