
Parang eksena sa isang pelikula ni Vic Sotto ang recent Facebook Live video ng anak nitong si Pasig City Mayor Vico Sotto kung saan may kausap itong isang netizen tungkol sa Social Amelioration Program (SAP).
Nitong Martes [May 5], nag-anunsyo si Mayor Vico na lahat ng pamilya na residente ng Pasig na hindi nakatanggap ng cash assistance mula sa national government ay kwalipikado sa supplemental SAP ng city government ngayong panahon ng enhanced community quarantine.
Ngunit tila hindi ito naintindihan ng isang netizen at nagtanong ito kung kasama ang mga nakatira sa condominium.
Natawa na lang si Mayor Vico sabay sagot ng: "Ang gulo kausap. Kakasabi ko lang, lahat nga kasama...Hindi malalagpasan ang condo, kasama po ang condo sa supplemental SAP."
Dugtong pa nito: "Kung hindi ba naman mamuti buhok ko dito."
Panoorin ang Facebook Live dito:
Samantala, sa kanyang Twitter account, may pabirong pahayag din si Mayor Vico tungkol sa nangyari sa kanyang Facebook Live session.
Aniya, "Ito 'yung muntikan ako masiraan ng ulo dahil kakasabi pa lang na "lahat kwalipikado," may nag-comment na "ah so malalagpasan ulit kaming nasa condo."
"Tapos tawa pa ng tawa 'yung mga staff."
Ito yung muntikan ako masiraan ng ulo dahil kakasabi ko pa lang na "Lahat kwalipikado," may nagcomment na "ah so malalagpasan ulit kaming nasa condo"😂😂
-- Vico Sotto (@VicoSotto) May 5, 2020
Tapos tawa pa ng tawa yung mga staff 😒😆
But kidding aside, our goal w SUPPLEMENTAL SAP is to help ALL Pasigueños in need. pic.twitter.com/luj7CCngP3
Sa huli, pinaalala ni Mayor Vico ang mensahe na mas dapat bigyang importansya ng mga taga-Pasig. "Kidding aside, our goal with SUPPLEMENTAL SAP is to help ALL Pasigueños in need."