GMA Logo Vico Sotto tweet zoombombing incident
What's Hot

Vico Sotto, thankful na walang "naka-BOLD" sa latest teleconference meeting niya

By Cara Emmeline Garcia
Published April 24, 2020 11:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Vico Sotto tweet zoombombing incident


Dinaan ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa isang joke ang latest teleconference meeting niya kasama si Senator Sherwin Gatchalian.

Nagpapasalamat si Pasig City Mayor Vico Sotto at walang mishap ang latest Zoom meeting niya kasama si Senator Sherwin Gatchalian at iba pang mayors kahapon, April 23.

Sa kanyang opisyal na Twitter account, ibinahagi ng 30-year-old Mayor na ginagawan nila ng paraan para iplano ng mabuti ang “exit strategy” ng enhanced community quarantine sa mga darating na linggo.

Ayon sa latest reports, ma-e-extend ang community quarantine sa National Capital Region hanggang May 15.

Aniya, “#ATM [At the moment]. Zoom Conference with Sen. Win [Gatchalian], mayors, and policy experts.

“[The] discussion is centered on ECQ exit strategy. Kailangan maayos ang plano --- mula transportasyon hanggang testing.”

Sa huling bahagi ng Tweet, isinaad ng alkalde na maayos ang lahat ng participants sa kanilang pagpupulong.

“P.S. Thankfully, this Zoom Conference, walang participant na nag-background ng naka-BOLD.”

Maalalang may lumitaw na malaswang imahe sa nauna niyang Zoom video conference noong Miyerkules, April 22.

Kahit ilang segundo lamang rumehistro sa screen ang imahe ay naging trending ang reaksyon ni Mayor Vico sa Twitter.

Celebrity and netizens' reactions

Patok na patok naman ang latest tweet ng alkalde sa ilang celebrities at netizens.

Isa na sa mga nagreact ang ka-conference nito na si Sherwin Gatchalian na napaisip pa kung may naka-bold sa kaniyang sariling kwarto.

Ani Sherwin, “Good to hear from you, Mayor Vico. Akala ko may naka-bold sa kwarto ko. Hehe. Mahirap pala itong teleconference. Kitang-kita kama mo. Baka may makita pang iba sa likod.”

Sagot ni Vico, “Haha! Kahapon po kasi may hindi kanais-nais na background 'yung isang participant. Nakaka-trauma ng konti.

“Btw, thanks for your insights earlier Sen. Win! Very helpful. As with the other LGUs, transport will probably be Pasig's biggest challenge with the ECQ exit…”

Tawang-tawa naman ang aktres na si Angel Locsin na hindi pa rin makalimutan ang naunang insidente ni Mayor Vico.

Sambit niya sa Twitter, “Hindi ko kinaya 'yung interview!”

Habang ang ilang netizens, hindi pa rin pinalampas na ipaalala kay Vico ang trending na incident.

Ang ilan, nakapansin na napaka-'90s ang term na ginamit ni Vico sa kanyang tweet.

Ani ng isang netizen, “'Di ko kinaya 'yung 'bold.' Very '90s 'yung term mayor. Hahaha! Stay safe po.”

Vico Sotto dancing to Red Velvet's 'Psycho' trends online!

Zoombombed: How to keep uninvited guests from intruding your video conferences